Advertisers
ARESTADO ang isang construction worker nang gahasain ang 11-anyos na dalagita na isinama sa “overnight” ng tropa sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.
Kinilala ang nanggahasa na si Wilfred Pogenio,18, residente ng Purok 9, Barangay San Pedro.
Itinago naman sa pangalang “Yenyen” ang biktimang Grade 6 student, residente ng Brgy.Guijo.
Sa report, nangyari ang insidente 10:00 ng gabi sa Brgy. Citrus nitong September 26.
Ayon sa ulat, isinama ni Pogenio ang dalagita na mag-overnight, kasama ang kaibigan sa Brgy. Citrus.
Sa kalagitnaan ng tulog ng biktima, tinabihan ito ni Pogenio at hinalay.
Sa report, kinaumagahan ay nagpatulong sa mga taga-Brgy. San Pedro ang magulang ni “Yenyen” para hanapin ang biktima at inaresto ang rapist.
Nahaharap si Pogenio sa kasong statutory rape at RA 7610.
(James de Jesus)