Advertisers

Advertisers

Duterte kuntento sa trabaho ni Cayetano, at opisyal na nasibak sa BoC inilipat sa DTI

0 372

Advertisers

SA bibig mismo ni Presidential spokesperson Harry Roque nanggaling na kuntento si Pangulong Rody Duterte sa pagganap ni Speaker Alan Cayetano sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Dagdag pa nito, hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo na kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at wala pang sapat na karanasan at mahabang track records.

Sey pa ni Roque sa kanyang interview sa online outlet na Mindavote: “Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Talagang close ako kay Alan’”.



Ayon kay Roque, masaya ang Pangulo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ay mabilis na naipasa ang pambansang budget para sa taon 2020.

Mabilis din aniya ang pag-aksyon ni Cayetano sa pagpasa sa mga batas tulad ng ‘Bayanihan 1’ at ‘Bayanihan 2’ na kinakailangan para labanan ang COVID-19.

Maging ang mga revenue-generating at tax reform bills na prayoridad ng Pangulo ay mabilis na naaksyunan ng Mababang Kapulungan, dagdag pa ni Roque.

“Kung ikaw ay Presidente at natikman mo na kung paano nangyari ‘yung isang taon na iba ang Speaker at hindi naipasa ang budget, at nagkaroon tayo ng reenacted budget na naging dahilan kung bakit humina ang paglaki ng ekonomiya, siyempre mabibigyan mo ng importansiya ‘yung nakaka-deliver sa pangangailangan ng administrasyon,” diin ni Roque.

Nang tanungin si Roque tungkol sa opinyon ng Palasyo kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang ka term-sharing ni Cayetano, sinabi ni Roque na maaaring magkaroon ng problema si Velasco dahil sa kakulangan nito ng karanasan at hindi sapat na track records, lalo na at kinakailangan ito upang makagawa ng pagkakasunduan sa mga miyembro ng Kongreso.



Tsk tsk tsk… malaking hambalos ito kay Velaco. Paano naman kasi busog sa track-record si Cayetano dahil nag-umpisa ito sa serbisyo publiko sa LGU, kamara, senado, at naging miyembro pa ng gabinete ni Digong. Mismo!

Ang masaklap na nito, ibinunyag ni Roque na tila hindi rin gaanong kilala ng Pangulo si Velasco, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang termino nito. Aray ko!!!

“Kung wala kang ganyang experience paano ka makakabuo ng consensus? Mahihirapan yan” diin ni Roque. Mismo!

***

Opisyal na sinipa sa Customs dahil sa katiwalian nasa DTI naman ngayon

ANO ba naman itong si Pangulong Duterte, nagtalaga na naman ng isang opisyal na nasibak na isyu ng korapsyon.

Oo! Si Noel Patrick Sales Prudente na sinipa mula sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa katiwalian ay itinalaga pala sa Department of Trade and Industry (DTI) bilang Assistant Secretary. Napunta siya rito noon pang August. Tsk tsk tsk…

Para sa kabatiran ng madla, si Prudente ay dating Deputy Commissioner ng BoC. Napatalsik siya rito matapos maimbestigahan ng Kongreso noong 2018 dahil sa korapsyon, illegal release ng containers.

Naging isyu rin kay Prudente ang napakaraming biyahe sa iba’t ibang bansa, dahilan ng pagsipa sa kanya ni Duterte.

Ewan ko rin naman dito kay DTI Sec. Mon Lopez kung bakit inilagay nya pa sa vulnerable sector si Prudente gayong tainted ng katiwalian ang pagkatao nito, tapos wala pang sapat na kaalaman sa trabaho ng constructions.

Dapat, sa panahon ngayon ng pandemya, ang inilalagay sa mga importanteng puwesto ay yung mga may sapat na kaalaman at walang bahid ng katiwalian.

Teka, si Pres. Duterte nga ba talaga ang nagtalaga kay Prudente sa DTI? Hmmm…