Advertisers

Advertisers

Bea takot pa rin sa Covid, atras sa serye; Ryza sanay na mapuyat kaya game na sa pag-aalaga ng baby

0 260

Advertisers

KANSELADO at ipagpaliban ang taping ng serye na Kahit Minsan Lang na inanunsiyo ng pamunuan dahil sa pandemic.

Si Bea Alonzo ang lead star sa nasabing serye kasama sina Rafael Rossel at Richard Gutierrez.

Tulad ng iba ay niligwak ni Bea na magbalik-trabaho sa nasabing serye.



Mas priority raw ni Bea ang kanyang health at wala naman itong kiyeme na umurong na sa serye.

Tuloy pa rin daw ang serye pero minus Bea na.

Sa pag-resume ng taping ng serye ay tanggal na si Bea na umamin na ayaw pa niyang mag-work habang  may Covid.

Ganyan din ang naging tugon nina Julia Montes at Nadine Lustre  nang matigil ang kanilang serye na Burado.

Sinasabi na napalitan na ng Walang Hanggang Paalam ang dating Burado nina Nadine at Julia  na pinalitan sila nina Angelica Panganiban at Arci Muñoz pero nandun pa rin ang dalawang aktor na sina Zanjoe Marudo at Paulo Avelino.



***

INAMIN ng soon-to-be mother na si Ryza Cenon na kahit hindi na nga raw nito praktisin ang sarili sa pagpupuyat ay nakasanayan na nito.

Minsan nga raw mga 3:00am ay gising pa rin siya at nakakatulog na ng 5:00am.

Ang kailangan nga raw ipraktis ni Ryza ay ang pag-breast feed at pag-push sa kanyang panganganak.

Magkaiba nga raw yung akting lang sa harap ng kamera na siya ay nanganganak.

May nagsasa-suggest na puwede naman daw siyang manganak sa house pero may takot si Ryza.

Mas maganda na nga raw sa ospital manganak ang aktres na sakaling may kumplikasyon ay madali na anya maagapan.

Night daw ang unang name na naisipan ni Ryza at ng kanyang dyowa para sa kanilang baby at ito nga raw ang light sa gabi.

This coming November ay magiging nanay na nga si Ryza inaabangan na ito ng mga nagmamahal sa kanya.      Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)