Advertisers

Advertisers

Bagong team ni LBJ vs lumang koponan niya!

0 225

Advertisers

LA Lakers kontra Miami Heat para sa korona ng NBA. No, 1 seed sa West laban sa No. 5 sa East. 1st time ng Heat sa kampeonato mula 2014 nang lisanin ni LeBron James ang South Florida. Unang sabak din ng siyudad ng Hollywood sa dulo mula 2010.

Pareho pa silang hindi nakarating ng playoffs noong nakaraang season.

Ito ikasampung finals appearance ni James at pareho silang ikatlo ni Kareem Abdul Jabbar sa kasaysayan ng pinakasikat na liga sa buong mundo. Tanging sina Bill Russell at Sam Jones ng Celtics ang mga nakahigit sa kanila.



Ang tanong ngayon ni Tata Selo ay sino ang magiging buwenas simula sa Huwebes ng umaga? Yung bang kasalukuyang tropa ni King James o yung pangalawang grupo niya sa liga?

Sa pagtatagpo nila noong regular season ay 2-0 pabor sa mga bata ni Coach Frank Vogel. 95-80 noong ika-9 ng Nobyembre 2019 sa Staples Center at 113-110 noong ika-14 ng Disyembre 2019 sa American Airlines Arena. Nagbida ang tandem nina LBJ at Anthony Davis sa dalawang panalo. Pinangunahan naman nina Jimmy Butler at Bam Adebayo ang grupo ni Coach Erik Spoelstra. Isang game lang nakalaro si Goran Dragic noon.

Hindi pa ganoon kakumpiyansa ang mga shooter ng Heat na sina Duncan Robinson at Tyler Herro. Wala sa bubble ang LA guard na si Avery Bradley pero consistent sa both ends sina Alex Caruso at Rajon Rando.

May isa na lang na naiwan si James na kakampi sa Miami sa katauhan ni Udonis Haslem. Ang 6’9 na forward ay kasama ni LBJ sa apat na finals appearance at nakadalawa silang singsing. Sa unang tagumpay ng Heat taong 2006 ay nandoon na rin ang 40 anyos na player. Kaso ngayon ay hindi na siya gaanong nagagamit.

Si Laker Dion Waiters ay ex-cager naman ng Heat na naging kontrobersyal ang pag-alis.



Ang President ng Miami basketball franchise ay dating coach ng LA Lakers at nakatatlo silang tropeo. Binuo niyan muli nang unti-unti ang team nang bumalik si LBJ sa Cleveland.

Kapana-panabik na best-of-7 series ito. Makuha na ba ni King James kanyang ikaapat na titulo? O ang Miami ang makaapat na Larry O’Brien na trophy?

Siyempre paborito dito sina AD dahil sa mas may karanasan ang mga basketbolista nila pagdating sa championship. Nandiyan sina Lebron, Rajon Rando, JR Smith at Danny Green. Sa kabilang banda ay si Andre Iguodala lamang kasi bale bangko naman si Haslem ngunit maaaring pakinabangan sa praktis at sa locker room.

Kung sakali ngitian ng suwerte si LBJ ay siya ang makakatatlong ring sa tatlo ring team. Una sa Miami tapos sa Cleveland.

Ooops teka muna. Si Danny Green din pala kung palarin kasi una sa San Antonio at pangalawa sa Toronto.

***

Binaha pala ng mga fans ni Calvin Abueva ang social media ng kanilang #LetCalvinPlay pero hindi natinag ang PBA. Nanindigan silang hindi pa nagampanan ni Abueva ang lahat ng requirement para makabalik sa liga. Naiintindihan naman ito ng player ng Phoenix.

Samantala nag-ala Avery Bradley ng Lakers sina Larry Fonacier at Cyrus Baguio ng NLEX. Kapwa sila hindi bahagi ng Road Warriors sa Clark bubble dahil sa mga personal na rason. Aprubado naman ito kay Coach Yeng Guiao kaya oks na rin kay Commissioner Willie Marcial.