Advertisers
ISA si Aga Muhlach sa apat na hurado sa bagong show ng TV5 na Masked Singer Pilipinas. Si Billy Crawford ang host nito.
Isa itong reality singing-competition series na mapapanood na simula sa October 24, 7:00pm. Ang tatlo pa sa hurado ay sina Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Kim Molina.
Hindi na bago kay Aga ang magkaroon ng show sa TV5. Naging Kapatid star na rin siya mula 2011 hanggang 2014 matapos niyang umalis sa ABS-CBN 2.
Siya ang host ng infotainment program na Pinoy Explorer noong 2011-13, at ng game show na Let’s Ask Pilipinas noong 2013 hanggang 2014. Balik TV5 lang ang mister ni Charlene Gonzales.
Ang Masked Singer Pilipinas ay siguradong magiging patok sa televiewers. Ito ay dahil sa mga kakantang celebrity contestants na top secret ang mga katauhan dahil sila ay pawang naka-mask. Labindalawa hanggang 18 mystery celebrity contestants ang maglalaban-laban kada isang taping day. Abangan natin ang Masked Singer. Siguradong mag-i-enjoy tayo sa panonood nito. (Rommel Placente)