Advertisers
MANIPIS ang tsansa na magkaroon ng Premier Volleyball League kahit na isang conference ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Sports vision president Ricky Palou kamakailan habang ang liga ay hinihintay ang approval mula sa Inter-Agency Task Force na ipagpatuloy ang kumpetisyon.
Sinabi ni Palou na kailangan nila ng dalawang buwan para mabigyan ng sapat na panahon ang players at ang team na makabalik sa tamang kundisyon.
Ang PVL ay nag- padala ng request diretso sa Department of Health na payagan ang liga na magsagawa ng kumpetisyon nakaraang June, may kopya rin ang Philippine Sports Commission.