Advertisers

Advertisers

VP Leni sa gov’t: ‘Gamitin ang mga datos, mag-set ng target sa pandemic response’

0 234

Advertisers

NANAWAGAN si Bise Presidente Leni Robredo sa administrasyon na gamitin ang mga datos at mag-set ng target sa pagtugon ng kinakaharap na pandemya ng bansa.
Ito ang sinabi ng Pangalawang Pangulo sa isang panayam kahapon sa gitna ng palitan nila ng mga banat ng Malakanyang ukol sa pandemic response.
“Tingnan iyong datos, saan tayo kulang, ano iyong target natin sabihin natin for September, ano iyong target natin for October, para alam natin kung saan tayo papunta at nagkakaroon tayo ng periodic assesment kung palayo ba tayo o palapit ba tayo doon sa ating metrics,” ani Robredo.
Matatandaan na kamakailan nang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo at nanawagan sa publiko na “Huwag maniwala kay Leni” kung saan naniniwala ang Pangulo na tanging bakuna lamang ang solusyon sa pandemic crisis.
Tinutulan naman ni Robredo ang pahayag na ito ng Pangulo at sinabing may mga hakbang ang estado upang makontrol ang transmission ng COVID-19 sa bansa.
Binigyan-diin pa ni Robredo na makikita umano sa resulta ng pag-aaral sa The Lancet, isang kilalang research journal, kung saan nag-rank 66 ang Pilipinas sa pandemic response nito kung saan 19 na bansa ang successfully suppress ang pandemya
Hinimok pa ni Robredo ang gobyerno na magsilbing modelo ang mga bansang ito na sa kabila ng wala pang naimbentong gamot o bakuna laban sa COVID-19 ay napagtagumpayan nilang labanan at lipulin ang global pandemic. (Josephine Patricio)