Advertisers

Advertisers

VP Leni binira si Martires sa isyu ng SALN at lifestyle checks sa mga taga-gobyerno

0 286

Advertisers

ANG ‘bagong polisiya’ ni Ombudsman Samuel Martires na ‘di pagsapubliko ng Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALNs) ng government officials ay magbibigay lamang ng “wrong signal” sa kampanya ng gobyerno laban sa korapsyon, ayon kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Robredo na ang direktiba ay labag sa constitutional principle na “public office is a public trust.”
“Pag inalis mo ‘yung SALN, ano ang mensahe ‘yung binibigay mo? Anong mensahe ‘yung binibigay mo sa tao na ang korupsyon ay di priority ng pamahalaan?” sabi ni Robredo sa kanyang lingguhang radio show.
Sa House hearing nitong nakaraang linggo, sinabi ni Martires na ang SALNs ay ginagawang “weaponized” para sirain ang reputasyon ng government officials.
Sinabi niya rin sa naturang pagdinig na ang Ombudsman ay hindi na magsasagawa ng lifestyle checks sa government employees. Ang lifestyle checks ay isinasagawa para malaman kung ang government officials at employees ay namumuhay ng sobra sa kanilang sinusuweldo, kungsaan malalaman kung ito ay gumagawa ng katiwalian.
Sinabi pa ng vice president na ang pagbibili ng magarang sasakyan ay hindi naman pruweba na ang isang opisyal ay nagbulsa ng pondo ng bayan kundi ay magsisilbing “red flag” na dapat imbestigahan.
“Di ba red flag ito kasi magkano lang naman sweldo namin as public officials?” tanong ni Robredo
“Di ako makapaniwala na galing pa sa head ng opisina na dapat mag-iimbestiga. Parang binibigyan mo ng license ‘yung public officials para magtago ng kanilang mga yaman na hindi dapat,” dagdag niya.
Sinabi naman ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ang kanyang successor ay maaring na “misread” ang Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na nag-aatas sa lahat ng government officials at employees na mag-file ng kanilang SALNs.
Hinikayat naman ni Etta Rosales, Akbayan chair emeritus, si Martires na bawiin ang kanyang kautusan.
“Mr. Martires, as Ombudsman, you are supposed to side with the people, not with corrupt officials. Do not be a friend of the greedy,” sabi ni Rosales patungkol sa statement.
Sinabi ni Rosales na “only plunderers fear the SALN,” patungkol naman sa statement ni Sen. Imee Marcos na pumapabor sa posisyon ni Martires tungkol sa SALNs bilang “weaponized.”
“Marcos speaks of victimized by the SALN as if she is guilt-free from keeping trillions of pesos stolen from the Filipino people. Who are you to claim it is being weaponized when your mother has been convicted of seven counts of graft and corruption?” sabi ni Rosales.