Advertisers
TAOS sa kanyang puso’t kalooban ang pagiging lingkod-bayan, noon pa man ay bukas-palad na ang pagtulong ni Kap. Noel ‘Bong Rivera sa kanyang mga kababayan sa Tarlac.
Wala sa termino niya ang katagang ‘tanggi’ lalo sa mga taong lumalapit sa kanya na kailangan ng tulong dahil katwiran niya ay bahagi lang iyon ng sobra-sobrang biyaya sa kanya ng Lumikha na marapat ipamahagi rin sa mas mga nangangailangan.
Mapalad ang mga taga-Concepcion, Tarlac sa pagkakaroon ng isang anak na handang maglingkod sa kababayan sa lahat ng panahon partikular sa mga constituents niya sa Bgy. San Vicente kung saan ay siya ang Kapitan na nag-angat sa kanya bilang ABC top honcho.
Lumutang nang husto ang pagiging pilantropo ni ‘Bong Rivera noong outbreak ng pandemya hanggang sa kasalukuyan.
Natigil ang galaw at hanapbuhay ng mga tao noong lockdown kaya napakahalaga ng anumang tulong na maiaayuda sa mga tao.
Hindi sapat ang ayuda ng gobyerno kaya kailangan ng mamamayan ang tulong mula sa sinumang may ginintuang puso sa panahon na iyon ng krisis- mundiyal.
Dito umariba ang ayuda mula kay Rivera.Walang anumang kulay-pulitika ay sinuyod ni ‘Kap ang mga kababayang Tarlacqueños upang mamahagi ng ayuda mula sa sariling bulsa pangunahin ang pagkain, medisina atbp. na hindi lamang panandaliang konsumo.
Laking tuwa ng mga nabiyayaan dahil di nila akalaing di naman sila constituents ay itinuring na mistulang kapamilya at kapuso sila ni ‘Kap. Ang kanyang pagtulong ay di lang minsanan kundi isa na niyang adbokasiya hanggang narito o wala nang pandemya ay tutulong siya sa kababayan sa abot ng kanyang makakaya.
Dahil sa kanyang pamamahagi ng ayuda sa Concepcion at kanugnog-bayang La Paz, Bamban at Capas ay nakita niyang personal ang iba pang mga problema maging sa imprastraktura tulad ng mga sirang kalsada, tulay, patubig at iba pang pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda , SME’s (small – medium entrepreneurs) at mga biyaherong gumagamit ng kalsada.
Bubuhayin niya ang sports para sa kabataang Talacqueños sa pakikipagtulungan ng Sama-sama Sports sa Tarlac.“ Maraming potensiyal na kabataan sa lalawigan na mag-excel sa larangan ng sports. Kailangan lang ng malasakit at kalinga upang madiskubre at matulungang matupad ang pangarap nila sa hinaharap,” sambit ni ‘Kap.
Pag-oorganisa ng mga Palaro para sa mga in and out of school youths, pamamahagi ng mga sports equipment at pagtuturo ng mga basic knowledge at modern techniques mula sa mga imbitadong eksperto ang kanyang isusulong at prayoridad. Arriba Rivera!(Danny Simon)