Advertisers
AYON sa vlog ng ina ni Pia Wurtzbach na si Cheryl Tyndall na nakabase sa UK, matagal na raw plano na dumalaw ang anak na si Ms. Universe 2015 kasama ang bf na si Jeremy Jauncey kaya naka-ready na siya.
Sa patotoo ng ina sa kanyang vlog ay mabilis lang naman daw siya mag-grocery.
Kaya sa pagsugod nina Pia at Jeremy sa inang nasa United Kingdom ay pinaghandaan naman ito nang bonggang-bongga.
Ang hiling ni Pia sa ermat na ihanda sa kanila ay healthy food. As in, mabubundat to the max naman ang labs ni Pia dahil puro mga healthy food ang handa ni Mommy Cheryl.
Mukhang boto nama ang ina ni Pia kay Jeremy. Isa na nga lang ang hinihintay nito, ang proposal ni Jeremy sa kanyang anak na beauty queen-actress.
***
MATAGAL-tagal na rin na hindi nadadaanan ng lente ng kamera ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz.
Taong 2017 nang magpasya itong manahimik muna sa showbizlandia at maging pribado ang buhay.
Sa paglipas ng mga araw, tila may mga pag-uusap na nagaganap sa Brightlight Productions ni Cong. Albee Benitez na producer ng lahat ng blocktimer program na ipalalabas sa TV 5 ngayong Oktubre.
Kungdi nga raw nagkaroon ng pagbabago ay baka makasama na ang mahusay na aktor na magkakaroon ng sariling TV show sa TV 5.
May balita rin na bukod sa mga TV program na ibla-blocktime ng sariling produksyon ni Cong. Albee na kasama na si John Lloyd ay may pelikula rin itong mismong si Cong. Benitez ang magpro-prodyus.
May mga basher namang nagsasabi na baka nga raw naghihirap na si Lloydie kaya kailangan nang kumayod at magbalik-showbiz.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)