Advertisers
KAMPANTE ang Malakanyang na makakauwi ng kani-kanilang probinsiya ang lahat ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa Disyembre para makapagdiwang ng Yuletide Season o Pasko kasama ang pamilya.
Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, lead convenor ng hatid tulong, nasa halos 500 pa ang LSIs ang nakalistang papauwiin.
Ayon pa kay Encabo, may 61 sa mga ito ang nasa Cultural Center of the Philippines (CCP) na nagsisilbi ngayon bilang National Center ng hatid tulong.
Nilinaw ni Encabo na ilan sa mga natitira pang LSIs ay natengga sa Metro Manila nang magsimula ang lockdown.
Tiniyak din ni Encabo na sisimulan nilang muli ang pagpapauwi sa mga LSIs sa Oktubre. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)