Advertisers

Advertisers

Malawak na karanasan ang kailangan sa House Speaker

0 250

Advertisers

UNA sa lahat, nais kong pasalamatan si Sarhento Rendon, ang masipag na pulis ng MPD PS2 sa Moriones, Tondo, Manila, sa pagpatawad sa kapitbahay kong lasenggero na kanyang nadaanang tumatagay sa labas ng kanyang bahay habang sila’y nagsasagawa ng foot patrol sa aming lugar Biyernes ng gabi.

Bagama’t ito’y kanyang dinala sa prisinto, pinauwi rin ito matapos pangaralan ng mga batas na umiiral ngayong panahon ng pandemya ng covid 19.

Mabuhay ang mga taga-MPD PS2 lalo sa kanilang hepe, ang guwapo at masigasig na Col. Gallora.



Binabati rin natin si Major Jhun Ibay ng Manila City Hall SMART. Talagang aksyon agad! No say si Yorme sayo, Sir!

Kay Yorme Isko, kailan kaya uli tayo magka-kape sa Diamond, pare ko?

***

Balikan natin itong napakainit na isyu sa House Speakership.

Sa ganang akin, hindi biro ang trabaho ng Speaker ng Kamara de Representante. Hindi ito isang prestihiyosong posisyon na titulo lamang. Oo! Ang Speaker ang siyang mangunguna at gagabay sa mga kasama niya sa Kamara para maisabatas ang priority bills ng Pangulo. Dapat ay isa siyang epektibo at masipag na lider na kayang balansehin ang iba’t ibang interes ng halos 300 kinatawan ng Kongreso habang tinitiyak na ang mayorya ay pabor sa legislative agenda ng Malacanang.



Bilang Speaker, dapat ay mataas ang respeto sa iyo ng mga kapwa mo kongresista. Kaya naman dapat ay bigatin ang track records at experience ng isang Speaker para siya ay galangin ng kanyang mga kasama sa Kongreso.

May punto si Capiz Cong. Fredenil Castro nang kanyang sinabi sa isang privilege speech kamakailan na ang isang nagha-hangad na maging Speaker ay hindi dapat na nakatunganga lang at naghihintay na siya ang iluklok sa pwesto. Ito ang isang malaking pagkakamali ni Marinduque Cong. Lord Allan Velasco na umaasa lamang sa term-sharing agreement nila ni Cayetano para maging Speaker.

“Hindi siya nagtrabaho, hindi siya nag-ambag, hindi niya dinepensahan ang Kamara, hindi sya naging lider. Kaya paano naman niyang maasahang susundin naming siya,” sabi ni Castro patungkol kay Velasco. “Pagkakamali ni Velasco na isiping puedeng wala na siyang gawin sa loob ng 15 buwan at bigla na lamang lilitaw sa Kongreso para angkinin ang puwesto na para bang ipinanganak siyang maging Speaker.”

Si Cayetano, 22 pa lamang at habang nag-aaral na maging abugado ay naging municipal councilor na ng Taguig at naging vice mayor din. Naging congressman siya ng Taguig-Pateros, tinawag na “Batang Compañero” dahil sa kanyang galing sa pagsasalita at adbokasiya laban sa korapsyon.Tapos naging senador siya at naging Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Kumpara kay Velasco, nagtrabaho siya sa opisina ng kanyang ama na si dating Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr.,naging provincial administrator at chapter president ng Integrated Bar of the Philippines sa Marinduque, tapos 2nd term congressman palang siya ngayon. Wala pa siyang sapat na naiaambag sa mga trabaho ng Kamara.

Samantalang si Cayetano ay napakarami nang bills na naiakda na naging batas gaya ng Public Employment Service Office (PESO) Act; Granting Additional Compensation In Form of Special Allowances for Justices, Judges and All other Positions in the Judiciary; Anti-Money Laundering Act of 2001; The Overseas Absentee Voting Act of 2003; An Act Governing the Establishment, Operations and Regulation of Lending Companies; An Act To Strengthen The University of The Philippines As National University; Anti-Camcording Act of 2010; Expanded Senior Citizens Act of 2010; Strengthening of the Magna Carta for PWDs; Act Providing for Mandatory Basic Immunization Services For Infants and Children, at ang Domestic Workers Act (Kasambahay) Law. At sa unang pagkakataon ay napataas ni Cayetano ang trust rating ng Kamara, base sa latest Pulse Asia survey. Ang kanyang kalibre ang dahilan kaya ayaw narin siyang palitan ni PRRD.