Advertisers
TAMA si Etta Rosales, ang Akbayan Party List chair emeritus, sa kanyang pahayag na tanging mga korap at mandarambong lamang ang takot sa probisyon ng Saligang Batas tungkol sa pag-isyu ng lahat ng opisyales ng pamahalaan ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and NetWorth, o SALNs. Walang dapat ikatakot sa SALNs kung totoong tapat sa sinumpaang tungkulin ang isang lingkod bayan, ani Rosales.
Nililinaw lamang ang mga pananagutan ng isang lingkod bayan, ani Etta Rosales. Nakapagtaka na limitahin ni Ombudsman Samuel Martires ang access sa kopya ng SALNs ng mga lingkod bayan. Marapat na bawiin ni Martires ang utos na pagbawalan ang paglabas ng kopy ng SALNs ng mga opisyales sapagkat labag ito diwa ng pananagutan ng mga lingkod bayan.
Itinuro sa amin sa hayskul at kolehiyo ang kalatas na “a public office is a public trust.” Hindi namin nalilimutan ang aming mga guro na ipinagdiinan kung ano ang pagiging lingkod bayan. Tama si Etta Rosales sa kanyang sinabi: “Mr. Martires, as Ombudsman, you are supposed to side with the people, not with corrupt officials. Do not be a friend of the greedy.”
***
HINDI namin maalis ang matauhan sa post ng aming kaibigan na si Noel Basco. Kamakailan, dinapuan ng karamdaman si Noel sanhi ng Covid-19. Mabuti na lamang at malusog ang aming kaibigan. Athletic siya kaya mabilis ang kanyang paggaling.
Aniya: “Madami po asymptomatic positive ang nasa paligid lang natin. Walang epektibong contact tracing ang gobyerno kaya ingat po tayo habang wala pang bakuna.” Walang programa, target, at plano ang gobyerno. Wala lahat. Umaasa lamang sa pagdating ng bakuna.
Hanggang daldal si Vince Dizon ang itinalagang “czar” sa contact tracing. Puro lang drowing. Pagdating sa tahasang pagkilos, bokya si Vince. Malamig pa sa ilong ng pusa ang kanyang pagganap sa iniatang na tungkulin.
Pinupukpok ng Bise Presidente Leni Robredo si Rodrigo Duterte na kumilos habang hinihintay ang bakuna. Hindi sapat ang maghintay. Kailangan pasiglahin ang ekonomiya bilang paghahanda sa bakuna. Ngunit nagtengang kawali lamang ang batugan na pinuno. Galit pa siya na napuna. Teka, partime president lang naman siya.
***
MGA PILING SALITA: “Kapag naka-face mask mga kongresman, bagay na bagay [sa kanila]. Mukha silang holdaper.” – Sonny Pulgar, netizen
“Ganito ang gobyerno ngayon. Binabaligtad ang sitwasyon.” – Bobbet Bernadas
“Right and wrong are being redrawn in the Philippines. Laws no longer define them, nor compassion, nor fairness. Raw power does. And the bitter souls cheer, their ugly bile empowering them to smear the decent as if that will fulfill their wretched little lives.” – Joe America, netizen
“We just might wake up one day with our sovereignty totally stripped off our nation, all because of the deals President Duterte made with China.” – Leila de Lima
***
Ngayon namin napagtanto na lubhang mabigat ang distance learning. Hindi ito basta-basta. Kailangan ang totoong focus sa mag mag-aaral at titser. Hindi biro sa isang estudyante ang tumutok sa mga aralin at lecture ng guro sa loob ng dalawa o tatlong oras. Totoong nakakapagod.
Hindi biro sa isang guro ang ibigay ang kanyang mga module sa mga aralin. May pagkakaton na lumilihis ang titser sa module at dito pumapasok ang mga pagkakamali. Masalimuot ang pagtuturo sa online platform. Hindi pa isinasama ang mga suliranin sa imprastruktura ng Internet. Wala pa ang problema sa lumang gamit tulad ng laptop, desktop, at iba pang gadget.
Kaya malaking hamon ang iraos natin ang mga mag-aaral sa taong ito. Malaking katanungan kung kakayanin ng mga paaralang pampubliko ang mga hamon sa pagbubukas ng mga paaralan sa Oktubre. Harinawa.
***
HINDI pa tapos ang usapin ng liderato ng Kamara de Representante. May mga balita na nasa Davao City sina Alan Peter Cayetano, Lord Allan Ray Velasco, at iba pang karakter upang makipagpulong sa mag-amang Rodrigo at Polong Duterte.
Maaaring makumbinsi ni Cayetano si Duterte na manatili bilang ispiker, ngunit mahirap paniwalaan na maginoong nilalang si Cayetano. Mukhang hindi niya kinikilala ang naunang napagkasunduan. Walang isang salita si Cayetano. Wala siyang dangal.
Kaya nga hindi na naghahalalan sa Kamara dahil nagkasundo na hatiin ang kanilang termino bilang ispiker. Mayroon 15-21 na kasunduan. Ngayon, balewala na iyan. At gusto ni Cayetano na magkaroon ng halalan. Buwang rin si Alan Peter.
***
NAPULOT namin sa wall ng isang netizen friend:
STUPIDITY IN ACTION
Just to prove the level of stupidity of our senators, Migs Zubiri was asking what the CHR was doing on Atio’s Castillo’s death by hazing. Susme, Migs does not know the mandate of CHR? Did he ever read the 1987 Constitution? Magbasa-basa ka naman, Migs.
Migs was the same guy, who unsuccessfully challenged an ex-soldier to an arnis match. He thought he could unnerve Sonny Trillanes. Migs erratically thought that a pair of sticks would be useful when he goes to war. He does not know that those sticks are good for a parlor game in the comforts of a gym.
Soldiers are trained to kill and maim using whatever weapons of death that they could use. Without bullets or any other weapons, soldiers are trained in hand-to-hand combat. No, not arnis. Maghahanap ka pa ng yantok o kahoy.
Military science is all about the science and art of killing and maiming enemies. It was a good thing, Sonny Trillanes ignored him. Nagmukha siyang tanga.
***
NAPULOT namin sa isang post. Pakibasa na lang Sen. Bato: “Bato dela Rosa will be allowed to go in the U.S. after his visa has been renewed. But who would stop federal agents from arresting him and putting him in jail because some human rights guys have filed cases against him related to the spate of EJKs in the Philippines. Bato knows that re-issuance of visa could be a trap for him. He doesn’t know how the U.S. federal government will treat him if he goes there to visit relatives and friends… Sige nga, subukan mo?”
***
(Email:bootsfra@yahoo.com)