Advertisers
NATAGPUANG nakabigti sa loob ng sariling tahanan ang 30-anyos na bagong laya sa kasong pangagahasa, pag-torture at karumal-dumal na pagpatay sa 12-anyos na batang babae sa Rosario, Cavite.
Ayon sa ulat, natagpuang nakabigti sa loob ng bahay si Lery Arguelles, residente sa Dreamland, Barangay Muzon 2, Rosario.
Matatandaan Sept. 21, 2020 ay naaresto si Arguelles ng Rosario Police katuwang ang Cavite Intelligence Unit sa Trece Martirez, Cavite.
Ilang araw ding nakulong si Arguelles at sinampahan ng kasong Rape with Homicide sa pangagahasa at pagpatay sa dalagita, kungsaan ibinaon pa sa lupa ang biktima sa loob ng bahay ni Arguelles at natagpuan Sept. 1, 2020.
Nitong Sept. 25 nakalaya si Arguelles dahil sa ‘Release for further Investigation’ na ipinag-utos ng piskalya.
Isang suicide note naman ang natagpuan sa bahay ni Arguelles. (Irine Gascon)