Advertisers

Advertisers

Covid update: 19,630 gumaling; 60 nasawi; 2,995 bagong kaso

0 249

Advertisers

UMAKYAT na sa 304,226 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,995 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Linggo, Setyembre 27.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 956 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 667 at Region 3 na may 344
Nakapagtala naman ang DOH ng 19,630 na bagong gumaling mula sa covid-19. 18,892 dito ay time-based recoveries habang 738 ang routine reports. Dahil dito nasa kabuuang 252,510 na ang mga gumaling.
Dahil sa Oplan recovery, umabot na lamang sa 46,372 ang aktibong kaso ngayon sa Covid-19.
Nakapagtala naman ang DOH ng 60 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,344 na ang kabuuan.
May 25 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 16 dito ay recovered cases.
Samantala, may 10 kaso na naunang inulat na gumaling pero lahat ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)