Advertisers
KATAKA-TAKANG tanging Bibliya na lamang ang himalang hindi naabo nang tupukin ng apoy ang tatlong pintong apartment sa Guiguinto, Bulacan nitong Sabado.
Ayon kay Lani Banez, nasa hustong gulang, anak ng may-ari ng tatlong pintong apartment, nangyari ang sunog 4:30 ng hapon sa Barangay Tabe, Guiguinto.
Sinasabing nagmula ang sunog sa electric fan na nag-over heat.
Naapula ang sunog, 5:30 hanggang 6:00 ng gabi.
Ayon kay Bañez, bukod tanging bibliya ang hindi naabo sa sunog.
“Ang Diyos lang talaga ang makakagawa ng himala kasi natupok buong apartment pero ang Bibliya na ‘yan hindi nasunog,” sabi pa niya sa Facebook post.
Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang sunog.
(James de Jesus)