Advertisers

Advertisers

4 bata ‘ibinubugaw’ sa online, nasagip!

0 249

Advertisers

NASAGIP ang apat na batang babae at lalaki habang naaresto ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP – WCPC) ang nagbebenta sa mga bata sa online sa isinagawang operation sa Taguig City.
Sa ulat, ang mga nasagip na bata ay nasa edad 6 (lalaki), 9, 10 at 17 ang mga babae, samantala hindi na pinangalanan ang inarestong bugaw na kamag-anak ng mga biktima para sa kanilang proteksyon.
Ayon kay Col. Maria Sheila Portente, chief ng Anti Trafficking in Person Division ng PNP WCPC, isinagawa ang operation nang matukoy ang pagbubugaw sa mga biktima sa online.
Nitong nakaraan buwan, 13 bata ang nasagip ng PNP WCPC sa operation sa Bislig, Surigao Del Sur.
Sinabi ni Portento na pinipilit ang mga bata na gumagawa ng mga mahahalay na aksyon sa harap ng camera habang pinapanood ng mga customer sa online at pinadadala ang kabayaraan sa pamamagitan ng online payment.
Ayon pa kay Portento, ibinebenta o isine-share ang mga video at litratrato sa mga kustomer. (Mark Obleada)