Advertisers
NASAWI ang dalawang pulis na rumesponde sa impormasyong may nagbibiyahe ng illegal lumber sa isang bayan sa Northern Samar.
Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Jessie Golondrina, 30; at Pat. Fernando Velarde, 25.
Ayon sa report, rumesponde ang dalawang pulis sa ulat na may ibinebiyaheng illegal na troso sa naturang barangay 10:00 ng gabi nitong Sabado.
Sakay ng isang motorized banca, pinaputukan ng mga armadong maydala ng kahoy ang mga pulis.
Sa ulat, nagkaengkuwentro ang dalawang panig sa baybayin ng Barangay Buenavista sa bayan ng San Isidro.
Naisugod pa ang dalawang pulis sa St. Camillus Hospital sa Calbayog City, ngunit idineklarang dead on arrival 11:55 ng gabi ni Dr. Gilbert Cabigon.
Agad namang isinagawa ang pursuit operation ng mga pulis.(PFT team)