Advertisers

Advertisers

Parang mga batang walang disiplina

0 371

Advertisers

What lies in our power to do, lies in our power not to do. — Greek philosopher Aristotle

MAY pinakamababang kaso ng coronavirus fatality ang Singapore sa pagkakatala ng 27 namatay sa mahigit 57,000 kataong nagkaroon ng Covid-19.

Sa 0.05 porsyento, ang death rate sa nasabing bansa ay lubhang napakababa kung ihahambing sa global average na umaabot sa 3 porsyento at 1.7 porsyento dito sa atin sa ‘Pinas, ayon sa datos na kinalap ng Reuters mula sa mga bansang nag-ulat ng mahigit 1,000 mga kaso.



Sa pagkumpera sa mga bansang may kahintulad na laki ng populasyon ay mayroong makikitang pagkakaiba—ang death rate sa Denmark ay nasa 3 porsyento, habang sa Finland ay pumalo sa 4 na porsyento.

Bukod dito, wala pang nasasawi mula sa sakit sa Singapore sa nakalipas na dalawang buwan, ayon sa health ministry rito. Ayon sa pangunahing mga disease expert sa nasabing bansa, ang mga pangunahing dahilan sa likod nito ay ang infection demographics, maagang detection, pre-emptive hospitalization, mandatory na paggamit ng mga face mask at mahigpit na pagkatig sa case definition ng World Health Organization (WHO) para sa pagklasipika ng pagkamatay mula sa Covid-19.

GHabang sinasabi ng mga health expert ng Duterte administration na naabot na natin ang ‘flattening of the curb’, malaki pa ang ating pagnanais ukol sa matagumpay na laban kontra sa novel coronavirus o nCoV at ang severe acute respiratory syndrome-coronavirus disease-2 o SARS-nCoV-2.

Marami sa ating mga kababayan ang hindi pa rin sumusunod o nagmimintine ng mga minimum health protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para matiyak ang kanilang kaligtasan para mapigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Kung nais nating mangyari ito,kailangan nating tularan ang Singapore. Bago ang pandemya, disiplinado ang mga Singaporean—hindi sila dumudura sa pampublikong lugar, hindi rin sila ngumunguya ng bubble gum o nagkakalat sa kanilang mga komunidad dahil na rin sa mga parusang naghihintay sa mga lumalabag dito. Ito dapat pairalin sa ating bansa dahil lumilitaw na para tayong mga batang walang disiplina na mas nais na lumabag sa batas bago pa man sundin ito.



* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!