Advertisers
NAGSIMULA nang mag-taping ang Kapuso show na The Clash para sa pinakabago nitong season.
Sa behind-the-scenes photos na ini-upload sa Facebook, makikitang mahigpit na ipinatupad ang safety protocols sa set. Bukod sa face mask at face shield, naka-PPE o personal protective equipment din ang mga cameraman at staff.
Isa ring paraan ng pag-iingat ng programa ay ang pagdi-disinfect ng mga mikroponong ginagamit ng mga contestant.
Inaabangan na ang pagsisimula ng The Clash Season 3 ngayong Oktubre sa GMA-7.
***
PASOK sa listahan ng most watched movies ngayon sa Netflix ang indie film na “Distance” na kinabibilangan ng Kapuso actress na si Therese Malvar.
Ibinalita ito ni Therese sa kanyang Instagram account. Ang “Distance” ay bahagi ng 2018 Cinemalaya Philippine Independent Festival na kinilala siya bilang Best Supporting Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula.
Bukod sa Distance, napapanood din sa Netflix ang isa pang pelikulang kinatatampukan ni Therese na Gasping For Air.
***
INAMIN ng Kapuso hunk na si Luis Hontiveros na gusto niyang makasama si Lovi Poe sa isang proyekto.
Kwento ni Luis sa GMA Artist Center online show na “In The Limelight,” “I think she’s a really really good actress, she’s beautiful, and she’s one of the biggest stars of the Kapuso Network. I’m looking forward and hoping that I’ll get that chance to be able to work with her.”
Bukod sa kanyang dream leading lady, ibinahagi rin ni Luis ang isang bagay na hindi alam ng marami tungkol sa kanya.
“Not a lot of people know that I’m a very shy guy, I’m a very shy person. Yes, I work in front of the camera and I’m used to big crowds but that’s only when I’m in front of the camera.
“Behind the camera, I prefer to be just with my family, friends, a very small group. I prefer to be alone, not really the type to spend my time in crowded places or big crowds,” kuwento niya.
Mapapanood ang kabuuan ng “In The Limelight” episode ni Luis sa GMA Artist Center YouTube channel.
***
KATULAD ng ibang celebrities at business owners, malaki rin ang epekto ng COVID-19 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kaya naman talagang nakaka-relate raw siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na “Lockdown: Food Diaries.”
Isang documentary special ang “Lockdown: Food Diaries” na mapapanuod ngayong Linggo (September 27), 3:45 pm sa GMA. Tampok dito ang epekto ng pandemic sa food sector.
Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine. Pero bukod dito, ipakikita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy upang kumita sa gitna ng pandemya.
“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon.”
Ibabahagi rin ni Alden kung paano niya hinarap ang pandemic bilang isang business owner. “Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling,” say nito.
“Kasi para sa amin po, mas importante ‘yung tao, ‘yung staff more than income na nag-generate ng mga restaurants namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi din dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day.”
Sa Linggo na (September 27) mapapanuod ang “Lockdown: Food Diaries,” 3:45 p.m. sa GMA Network.
***
ABANGAN ang natatangi at mahusay na pagganap ni Dennis Trillo bilang Samuel sa Magpakailanman ngayong Sabado sa episode na Patawad Ama Ko, sa GMA.
Tampok din sina Allan Paule, Sheila Marie Rodriguez, Chinggay Riego, Ana de Leon, Seth dela Cruz, Orlando Sol at Bruce Roeland, ito ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. (Rommel Gonzales)