Advertisers

Advertisers

Higit P.3m shabu nakuha sa 8 tulak

0 297

Advertisers

TINATAYANG nasa mahigit P.3 million shabu ang nakumpiska mula sa 8 drug suspects kabilang ang dalawang Chinese nationals sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay at Las Piñas City.
Kinilala ang mga suspek na sina Alexis Falcunit, 39; at Jover Concepcion, 27, kapwa nakatira sa #0122 Petunia St., Brgy. 184, Zone 19 ng nabanggit na lungsod.
Sa report, 8:15 Huwebes ng gabi nang madakip ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) sa nabanggit na lugar at naka-recover mula sa mga ito ang P211,820.00
Samantala, 10:45 Huwebes ng gabi nang madakip ang mga suspek na sina Ma Xinglian, 25, negosyante; Tang Chua, nasa hustong gulang, kapwa Chinese nationals at nanunuluyan sa Room 206 Cote De Azure Hotel, #5, Don Gregorio St., Brgy. Almanza Uno; Nestor Vivas, 36; Mark Anthony Vivas, 39, parehong residente ng  #18 Sampaguita St.,  GM Homes ng nabanggit na barangay at  Charicel Toledo, 36,  isang therapist, nakatira sa #371 Real St., Brgy.  Pulanglupa Uno, pawang mga taga Las Piñas City sa Sampaguita St., Brgy. Almanza Uno ng nabanggit na lungsod.
Sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Las Piñas City Police DEU, nakuha mula sa mga suspek ang 19.4 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P131,920.00.
Sinampahan ang nadakip na mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.(Gaynor Bonilla)