Advertisers

Advertisers

Covid update: 787 gumaling; 88 nasawi; 2,747 bagong kaso

0 431

Advertisers

UMABOT na sa 301,256 ang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19 hanggang nitong alas-4 ng hapon ng Sabado, Setyembre 26.

Ayon sa Department of Health (DOH) COVID-19 case bulletin no.196, nakapagtala pa ng 2,747 bagong kaso.

Sa 2,747 bagong kaso, 2,471 ang naitala sa pagitan ng Setyembre 13-26, ll kung saan pinakamarami pa rin ang naitala sa NCR na 962; Region 4A na 419 at Region 6 na 233 bagong kaso.



Habang nakapagtala naman ng 787 na nakarekober sa sakit kaya nasa kabuuang 232,906 na ang gumaling.

Nakapagtala rin ang DOH ng 88 nasawi sa COVID-19 kaya umabot na sa 5,284 ang kabuuang bilang ng nasawi.

May 852 naman ang duplicate na inalis sa kabuuang bilang kung saan 259 ang nakarekober.

Mayroon din 21 kaso na dating inilagay na nakarekober pero nasawi pala matapos ang final validation.

May 3 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang COVID-19 data sa Data Repository System (CDRS) nitong Setyembre 25. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">