Advertisers
Patay ang isang babae habang apat ang sugatan makaraang araruhin ang sinasakyang van ang tatlobg nakaparadang sasakyan sa Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang nasawi na si Aiza Dela Peña; habang sugatan sina Maribel Donato, Bryan Chavez, John Rouie Chavez, at Elmer Usbal.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Usbal ang isang Hyundai Starex van (ZNJ-130) 9:00 ng gabi kasama ang iba pang biktima nang bigla nilang araruhin ang isang Nissan Navarra (F2R797) na pag-aari ni Jeffrey Uy Tan, Nissan Navarra (ABX 4243) na pag-aari ni Marvin Isidro, at isang puting Mitsubishi L300 (DDM1444) na pag-aari naman ni Salvador Ordonez.
Dahil sa matinding pagkakasalpok, nagtamo ng malaking pinsala ang van habang ang ilan sa mga sakay nito sugatan at ang isa ang nasawi.
Sa report, nakainom ang driver ng van na si Usbal na haharap sa patung-patong na kaso.(PFT team)