Advertisers

Advertisers

3-2, 3-2!

0 329

Advertisers

Pareho na sa East at West ng NBA Conference Finals. 3-2 ang Miami sa serye nila ng Boston. Ganoon din ang Los Angeles sa labanan nila ng Denver.

Eka ni Ka Berong ay Lakers vs Heat na yan sa dulo. Sa umpisa pa lang naman ay paborito sina LeBron James na makarating sa kampeonato ng pinakasikat na liga sa buong mundo. Nguni’t walang nag-akala na aabot sina Jimmy Butler na numero 5 lang sa regular season sa EC na makita pa hanggang ngayon sa playoffs. Dagdag pa ni Kaka na bagong team ni King James kontra sa luma niyang koponan kung sakali.

Pero teka muna raw sabi ni Mang Tomas. Baka daw nalimutan na binansagan na comeback kids sina Nikola Jokic. Tama nga naman ang mama. Dalawang 1-3 sa post season ang nalagpasan ng mga bata ni Coach Michael Malone kaya nakarating sila sa kinalalagyan ngayon. Pinakakaba nila ngayon ang tropa ni Coach Frank Vogel.



Sumasang-ayon naman si Tomas na kulang pa ang Celtics sa maturity. Bata pa karamihan ng mga player. Darating din daw ang panahon nila.
Kayo ano sa palagay ninyo?

***

Bukod sa pagtutuos ng tandem nina LeBron James-Anthony Davis at ang parehas nina Kawhi Leonard- Paul George ang naudlot ay hindi rin natuloy ang harapan ng kambal na Morris. Dahil nga na-eliminate ng Nuggets ang Clippers ay wala ang duwelo ng identical twins.

Bakasyon na sa NBA bubble si Marcus samantalang buhay na buhay pa ang kuya niyang si Markieff. Walong minuto nauna nailuwal ng kanilang ina ang Laker kaysa Clipper.

Ang kuya ay 13th over-all pick ng Phoenix noong 2011. Sumunod naman si Marcus sa 14th na pinili naman ng Houston.



***

Sa Lunes abangan ninyo ang mga espesyal na bisitang sports leader natin sa OKS@DWBL. Sa ganap na aalas kuwatro ay makakakwentuhan natin sina PBA Commissioner Willie Marcial at UAAP Executive Director sa ere sa 1242 khz at online via Facebook Live at You Tube.

Inaasahan natin magbigay si Kume Marcial ng latest sa Clark bubble nila habang si ED Saguisag ay magbabalita naman sa atin tungkol sa sitwasyon sa USTe at iba pang update sa pangunahing collegiate league.

Makakasama rin sa episode si Isko Salvador alias Brod Pete kaya tiyak masaya ating huntahan. Tune in na!