Advertisers
Arestado ang 30 Chinese nationals na naabutang nagpa-party sa isang KTV bar at restaurant sa Makati City nitong Biyernes ng gabi.
Samantala, 93 katao kabilang ang mga empleyado, at may mga dayuhang customer na nag-party din sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 25.
Paliwanag ni Police Lt. Col. Noli Abalos, hepe ng Kamuning Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na marami ang nag-iinuman sa loob ng bar kahit lagpas na sa curfew.
Sa report, hinuli ang mga ito sa paglabag sa social distancing. Matapos kumpiskahin ang mga ID at tiketan para sa multa pinauwi rin ang mga ito.
Base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), bawal pang magbukas ang mga KTV bar sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang GCQ sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19.
Habang nahaharap naman sa posibleng kaso ang management ng bar. (Gaynor Bonilla/Boy Celario)