Advertisers

Advertisers

Titser na tulak, bulagta sa drug ops

0 335

Advertisers

Patay ang isang guro nang manlaban sa inilunsad na anti-drug operation sa Cotabato, Central Mindanao.
Kinilala ang suspek na si Jake Largo Placibe alyas Jekjek, 23, licensed professional teacher at residente ng Zone II Barangay Cabaruyan Libungan North Cotabato.
Sa report, 4:50 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa Purok Orchids, Brgy. Poblacion 8, Midsayap, Cotabato.
Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nagsagawa sila nang drug buybust operation katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) sa bahagi ng Purok Orchids Brgy Poblacion 8 Midsayap Cotabato.
Ngunit natunugan ni Placibe na mga pulis at PDEA ang kanyang ka-transaksyon kaya bumunot ito ng baril at nagpaputok.
Napilitan ang mga otoridad na barilin ang suspek.(PFT team)