Advertisers
PATAY sa pananambang ng riding-in-tandem ang operations manager ng isang kompanya nitong Huwebes sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si John Patricinio, may asawa, operations manager ng Power Marine Transport, residente ng Villa Corazon Condo sa 2nd St., Concepcion Aguila, Mendiola, Maynila.
Sa report, nakatakas ang mga salarin, sakay ng Yamaha MMax na walang plaka.
Ayon sa ulat, 4:40 ng hapon nang maganap ang insidente, sakay sa Toyota Revo (XMT- 627) na kulay maroon si Patricinio at binabagtas ang Mel Lopez Blvd. at pagsapit sa Shell gasoline station para magpakarga ng gasolina, bumaba ang angkas sa motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.
Matapos isagawa ang krimen, mabilis na muling sumakay sa motorsiklo na minamaneho ng ka-tandem ang gunman at pahururot na tumakas.
Ayon sa pulisya, may kaugnayan sa trabaho ang isa sa anggulong binubusisi ng mga awtoridad.(Jocelyn Domenden)