Advertisers

Advertisers

Korte Suprema aprub na sa pagsasagawa ng pagdinig via videoconferencing

0 250

Advertisers

Maaari nang magsagawa ng pagdinig sa sa korte sa buong bansa sa pamamagitan ng videoconferencing.
Sa inilabas na Office of the Court Administrator (OCA) Circular NO. 161-2020, sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez, ito ay kasunod ng pag-apruba ni Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta.
Sa nasabing circular, nakasaad na ang lahat ng una at pangalawang antas ng korte na hindi pa pinayagang magsagawa ng videoconferencing ay pinahihintulutan na ngayon na gawin ito sa lahat ng kaso na nakabinbin sa kanila anuman ang yugto ng paglilitis, alinsunod sa existing circulars at guideliners.
“Considering the successful conduct of videoconferencing hearings and the fact that all courts are already capable of conducting videoconferencing hearings through their respective Philippine Judiciary 365 Accounts, there is a need to authorize all other first and second level courts not yet authorized to conduct videoconferencing hearings to do so, in order to avoid any further delay in court action on pending cases before them,” ayon pa sa circular.
Kabilang ang Regional Trial Courts sa second level courts habang first level courts ay ang metropolitan trial courts, municipal trial courts sa lungsod, municipal trial courts, at municipal circuit trial courts.
Bago ang paglabas ng nasabing circular nitong September 24 ng gabi, inaprubahan na rin ng SC ang videoconferencing heraings sa 1,025 single-sala courts.
Ito ay matapos na maglabas din ng circular ang Korte Suprema noong April na nagpapahintulot sa lahat ng korte sa National Judicial Region at pangunahing lungsod sa Luzon, Visayas at Minadanao namagsagawa ng pilot-tests ng videoconferencing hearings sa mga kagyat na usapin nakinasasangkutan ng mga persons deprived of liberty (PDL). (Jocelyn Domenden)