Advertisers

Advertisers

JAY SONZA, KINASUHAN NI JULIA BARRETO NG CYBER LIBEL

0 420

Advertisers

Naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Julia barreto laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza.
Kasong paglabag sa Cybercrime ang isinampa kay Sonza dahil sa pahayag nitong buntis at si Gerald Anderson ang ama.
“Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputationn ko, ang pangalan ko. I think, i just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” ayon kay Julia.
Kasama ni Julia na nagreklamo sa NBI-Cybercrime Division, ang kanyang ina na si Marjorie Barreto para imbestigahan ang walang katotohanan at iresponsableng pahayag ni Sonza sa kanyang social media account.
“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” dagdag pa ni Barreto.
Ayon sa aktres, nais niyang turuan ng leksyon ang dating broadcaster.
“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga.
“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barreto na kapwa hindi sila bago. After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia.
Gayunman, muling nag-post noong Miyerkules si Sonza at ang kanyang naging pahayag at binawi rin nito ang kanyang masayang pagbati kay Julia at Anderson.
“Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng buhay.
Pasensya na kung napaaga ang aking congratulations,” pagbawi ni Sonza sa kanyang pahayag .(Jocelyn Domenden)