Advertisers

Advertisers

2 dayuhan sangkot sa ‘black dollar’ scam, timbog!

0 231

Advertisers

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang Cameroonian na sangkot sa “black dollar” scam o paggawa ng pekeng dolyar sa isang entrapment operation sa Parañaque City.
Kinilala ang isa sa suspek na si Oscar Jang.
Sa ulat, inaresto ang mga suspek ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Organized Crime Unit.
Ayon sa report, isang uri ng panloloko ang black dollar scam kung saan gumagawa ng pekeng dolyar ang mga sindikato saka ibebenta sa mga bibiktimahin na nais mag-invest sa kanila.
“‘Yung isang dollar lalagyan nila ng film at pagkatapos po nilang punasan ng isang kemikal na tinatawag nilang ‘Vitamin C,’ nagre-replicate po ang dollar. ‘Yung isang dollar nagiging tatlo,” sabi ni Police Staff Sergeant Michael Camillo, Investigator ng CIDG-AOCU.
Sinabi ng CIDG na P2 milyon ang huling natangay ng mga suspek sa isang biktimang tumanggi nang humarap sa camera.(Gaynor Bonilla)