Advertisers

Advertisers

Xyriel rumesbak sa pamumuna sa malulusog na boobs

0 858

Advertisers

NAKATANGGAP ng puna at batikos sa ilang netizens ang dating child star na si Xyriel Manabat.

Napansin kasi ng ilang barako at kalalakihan ang pagbabago ng anyo nito lalo pa’t dalaga na ito.

Malaking bulas si Xyriel kaya naman masasabing biniyayaan din siya ng malulusog na didib.



Hindi rin tinantanan si Xyriel ng mga manyakis na pinuna ang kanyang mga damit na isinusuot.

Bagama’t may ilang sympathizers na nagpaalala na menor de edad pa ang aktres, foul ang ginagawang pagtrato sa kanyang sex object sa social media.

 

Sa bago niyang post, rumesbak si Xyriel sa kanyang bashers at sinabing walang mali o masama sa kanyang mga pinipiling isuot at binanggit din nito ang ilan sa clothing brands na suot niya.

“There’s nothing wrong with WHAT WE WEAR “Top from What We Wear Clothing Ph @wwwclothingph @kyle.abello @stnja “Lalong walang samthin wrong sa wacky ko,” ani Xyriel.



May mga pumuri naman kay Xyriel dahil sa pamamagitan ng kanyang wacky video, naipakita niyang  marunong siyang manindigan sa gitna ng kontrobersya.

 

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa showbiz nang sumali sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong 2009, na tinanghal siyang 3rd placer.

 

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven. (Archie Liao)