Advertisers

Advertisers

TRAYDOR SA BAYAN

0 997

Advertisers

HUWAG matutuwa at tatalon na parang matsing sa makasaysayan umano na diskurso ni Rodrigo Duterte sa virtual forum ng United Nations General Assembly (UNGA). Kinilala sa wakas ni Duterte ang panalo ng Filipinas noong 2016 sa hablang isinampa sa Permanent Arbitral Commission ng United Convention of the Law of the Seas, o UNCLOS, ngunit hindi nangangahulugan ng kinakapitan ito ng tila wala sa sarili na lider.

Hindi nangangahulugan na itataboy sa wakas ni Duterte ang China sa pangangamkam ng piling bahagi ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. Mas lalong hindi nangangahulugan na hihingin ni Duterte sa China ang pagsira at paggiba sa base militar na itinayo ng huli sa ilang isla sa West Philippine Sea. Hindi nangangahulugan na tratratuhin ni Duterte ang Tsina sa pormal at katanggap-tanggap na katayuan bilang isang malayang bansa.

Duwag si Duterte. Wala siyang bayag upang manindigan sa pambansang interes at seguridad ng Filipinas. Traydor si Duterte sapagkat mas itinataguyod at pinangangalagaan niya ang interes ng China. Hindi siya naninindigan sa sambayanang Filipino. Takot siya sa China.



Sa kanyang diskurso noong Miyerkoles ng umaga (Martes ng gabi sa New York), iginiit ni Duterte na dapat kilalanin ng China at lahat ng bansa ang panalo ng Filipinas sa UNCLOS Permananet Arbitral Commission kung saan tahasang itinanggi na pag-aari ng China ang malaking bahagi ng South China Sea batay sa itinapon na teyoryang “Nine-Dash Line.”

Kakatwa ang panawagan ni Duterte sapagkat tila nagising sa mahimlay na pagkakatulog ang tila bangag na lider. Apat nang taon ang nakalipas bago siya nagbitiw ng ganyang pangungusap. Mahirap isipin at hindi naipaliwanag kung bakit inabot ng apat na taon bago tuluyang kilalanin ni Duterte ang tagumpay ng Filipinas sa hablang isinumite sa UNCLOS.

May ginintuang kaisipan ang post sa social media ni Ma Lina C. Tiburcio, isang retiradong guro at netizen: “Just because he said it before UNGA doesn’t mean he’s being true to his words. We all know China is already occupying West Philippine Sea. So his statement re The Hague ruling is already moot and academic.”

May dagdag si Rein Mutuc, isang netizen: “Affirmation is a good start. Implementation is entirely a different thing. The Filipinos and rest of the world await his actions whether his words have merit or otherwise.”

Sa maikli, hindi dapat magsaya sapagkat nakapagsalita si Duterte ng mga ganyang pangungusap. Magsaya lamang kung totoo na tatayuan niya ang kanyang paninidigan at totoong ipaglalaban ni Duterte ang interes ng Filipinas. Sa ganang amin, duwag si Duterte. Walang alinlangan sa kanyang karuwagan.



***

USAP-USAPAN pa rin kung bakit bumaligtad si Duterte. Kung dati ay sumamba si Duterte sa China at halos humalik sa puwet ni Xi Jin-ping bilang isang utusang aso ng Peking, biglang alumpihit ang mistulang baliw na lider at itinatwa ang dating amo. Kung ano-ano ang teyorya at haka-haka ang lumutang sa pagbabago ng kanyang postura.

May nagsabi na ayaw ni Duterte ang maipit sa umiiinit na katayuan sa South China Sea. Kung humantong sa digmaan ang iringan ng China at Estados Unidos, batid ni Duterte na tanging siya, Bong Go, Bato, at ilang lider ng Davao Group ang susuporta sa China. Alam niya na susuporta ang buong bansa sa Estados Unidos at mananatiling kakampi ng Washington.

Alam ni Duterte na hindi sasama sa kanya ang Sandatahang Lakas at aalisin siya bilang Commander-in-Chief sapagkat wala na siyang silbi. Alam ng Sandatahang Lakas na hawak si Duterte ng China sa leeg at hindi ito tatayo bilang isang marangal at matapang na Commander-in-Chief.

Paraan ni Duterte ang diskurso sa UNGA bilang pagtatakip sa kanyang kakulangan at karuwagan. Paraan niya ito para huwag alisin ng AFP ang suporta sa kanyang malatang paninindigan sa pangangamkam ng China sa teritoryo ng Filipinas. Gusto lamang niyang iligtas ang sarili.

***

PINAGHIHINALAAN SI Teddy Locsin, kalihim ng DFA, bilang pangunahing impluwensiya sa pagbabago ng paninindigan ni Duterte. Marunong si Locsin. Mas may paninindigan kesa kay Alan Peter Cayetano na kanyang pinalitan. Mas malinaw mag-isip bagaman barumbado at pabigla-bigla mag-isip.

May matwid na tahasang makialam si Locsin sapagkat mas kabisado niya ang relasyon ng mga bansa keysa kay Cayetano at ang namayapang si Perfecto Yasay Jr. Bagaman malayo siya kung ihahambing kay Alberto del Rosario, mas mapapagkatiwalaan siya kesa kay Cayetano at Yasay.

Hindi kumilos si Ceyetano tungkol sa isyu. Santambak na kapalpakan ang ginawa niya sa DFA. Sa UNGA, idineklara ni Cayetano na mayroong pitong milyon na adik ang Filipinas kahit wala siyang maipakitang batayan. Pinagtawanan tuloy siya.

Halos isumpa ng Kuwait si Cayetano dahil sa kanyang maling pagtimon sa gusot na ginawa ng kanyang mga alipures kasama si Mocha Uson na nagtangkang magpuslit ng mga Filipino na inapi umano sa Kuwait. Pinatalsik tuloy ang sugo ng Filipinas na nakabase sa Kuwait.

***

MGA PILING SALITA: Mula kay #PunchTheLies: “Dios ko, anong klaseng public address ito? Walang bago, walang plano. Inupakan si VP, inupakan mga kritiko at hindi inupakan ang nilabag niyang health protocols sa Manila Bay. Nung nag online protest ang mga duktor, inupakan. Walang silbing public address!

“We honor those captains of industry, technological innovators, intellectual giants, thinkers and visionaries, initiators of social change, spiritual and moral leaders, infrastructure builders, etc. We acknowledge their gifts and contributions to humanity. Not fixers and flunkeys.” – Archie Mendoza, netizen

“Naisip kasi ang term sharing para [kay Alan Peter Cayetano at Lord Allan Ray Velasco] para hindi na magkaroon ng botohan at magkaroon ng mananalo, matatalo, at mapapahiya. Iwas dugo at gulo sa madaling salita. Usapang lalaki pero iniba ni Cayetano ang napag-usapan. Gusto niya ngayon ay botohan. Siya ang naghahanap ng gulo. “Totoo na may bilang siya pero hindi iyan ang usapan. Kapag bale wala ang usapan, ano pa ang saysay ng gentlemen’s agreement. Bale wala na iyan. Lahat na lang daanin sa gulo… Hindi maganda iyan. Kahit mga tulisan, may pinagkakasunduan. Sinusunod nila ang naunang napag-usapan. Mayroon silang karangalan kahit paano.” – PL, netizen

“When both parties finally honor the agreement, I’ll show my colleagues the kind of leadership I espouse. Thereafter, at the end of my term, my peers can then be the judge of my loyal service to God, to the Pres., and ultimately, to the Filipino people” – Rep. Lord Allan Velasco

“It is solid proof that the international community’s pressure for Mr. Duterte to submit to and recognize International law is working. Yes, history was made, but not by Mr. Duterte, who should have done this a long time ago.” – Loretta Ann Rosales

***

Email:bootsfra@yahoo.com