Advertisers

Advertisers

Poe sa Telcos: Pagtatayo ng connectivity infrastractures, pabilisin

0 409

Advertisers

HINILING ni Senador Grace Poe sa mga kumpanya ng telekomunikasyon na pabilisin ang pagtatayo ng connectivity infrastructure upang mapahusay ang internet service para sa mga bata at mag-aaral na nakasandig sa online education.

Sa isang survey na isinagawa ng Asian Development Bank Institute, natuklasan na 46 porsiyento ng pamilyang Pilipino na may mga batang anak ang hindi pumapasok sa eskuwelahan sanhi ng COVID-19 pandemic ay ikalawa sa may pinakamataas na bilang sa walong bansa sa ASEAN kasunod ng Myanmar.

“Kailangan pahusayin ng mga telco ang internet service higit sa ngayon. Edukasyon ang susi upang maiangat ang mamamayan mula sa kahirapan. Kung wala silang mapagkukunan ng mahusay at mabilis na internet service, tila isinadlak natin sila kahirapan,” ayon kay Poe.



Pinaikli ng Bayanihan 2 ang proseso sa pagkuha ng permit ng mga telco, na lubha namang nalulunod sa nararanasang mabilis na pag-aapruba rito ng mga sangay ng gobyerno.

“Pinatingkad ng pandemya ang pangangailangan sa mas mahusay na internet service para sa mga estudyante at mamamayan na nagtatrabaho sa tahanan. Hindi lubos na equalizer ang connectivity, ngunit krusyal ito,” giit ni Poe.

Sa ginanap na pagdinig kahapon, inimbitahan ng chairperson ng Senate committee on public services ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang magbigay ng impormasyon kung sumusunod ang mga telco sa regulasyon.

“Ibinibigay natin ang prangkisa matapos matukoy na mayroong pangangailangan ang publiko sa naturang serbisyo at may sapat na kakayahan ang humihingi na ibigay ito. Gusto nating matiyak na lahat ng aplikante ay akma sa iniaalok na serbisyo publiko upang maitaguyod natin ang kumpetisyon at itulak ang mga kumpanya na maghatid ng mas mahusay na serbisyo,” wika ni Poe.

Nasa agenda kahapon ang pagdinig sa prangkisa ng Bayan Telecommunications Inc., Cruz Telephone Company Inc., at Tandag Electric and Telephone Company Inc.



Hiningan ni Poe ang mga telco ng kanilang target at konhkretong plano sa pagtatayo ng imprastraktura sa huling yugto ng taon upang matiyak na pinapakinabangan nila ang mga bagong regulasyon para sa pagpapaunlad ng kanilang serbisyo sa taumbayan.

Nanawagan din ang senadora sa mga major player na palakasin ang pakikipagtulungan sa maliliit na telco sa lalawigan, partikular sa mga liblib na lugar, upang higit na makinabang ang mga subscriber.

Sinabi ng isang major telco player na aabot sa halagang P15 milyon ang kailangan sa pagtatayo ng isang cell tower. (Mylene Alfonso)