Advertisers
HINIMOK ng Malakanyang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipamahagi bilang cash aid ang P10-bilyon unused fund sa mahihirap na kababayan na apektado ng pandemya.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naibigay na ito ng Kongreso kaya ibigay na lamang ito sa pamilyang hindi pa nakakatanggap ng ikalawang tranche ng ayuda.
Ang pahayag na ito ni Roque ay matapos sabihin ng DSWD na planong gamitin ng kagawaran ang natitirang pondo sa ibang programa gaya ng livelihood assistance para sa mahigit 600,000 households.
Maging ang ilang senador ay nagsabi na ring ibigay ang naturang pondo sa mga apektado ng pandemya. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)