Advertisers
PATAY ang tatlo katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Polomolok, South Cotabato.
Dead on arrival sa pagamutan ang isang nagngangalang Conrado Kasabal, record officer ng Land Transportation Office (LTO) at residente ng bayan ng Tupi sa nasabing lalawigan.
Nagpaputok umano ng kanyang baril ang target nang napansin na isang pulis ang katransaksyon sa pagbebenta ng iligal na droga sa National Highway, Barangay Glamang.
Sa ikalawang operasyon sa isang banana plantation sa Barangay Pagalungan, nanlaban umano sa tauhan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ang suspek na kinilalang si Leo Tuba.
Sakay sa Innova ang target kasama ang isang Moises Sarco nang isinagawa ang pagbebenta ng droga.
Nasawi si Tuba habang nakatakas si Sarco.
Sa follow-up operation sa Purok San Miguel, Barangay Klinan 6, Polomolok, nangyari ang habulan sa pagitan ni Sarco at ng mga otoridad hanggang sa nakorner ito sa damuhang bahagi sa lugar.
Dead on the spot si Sarco nang nakipagbarilan sa operatiba.(PFT team)