Advertisers

Advertisers

NPC kinondena ang ‘drawing’ na raid sa bahay ng peryodista

0 328

Advertisers

KINONDENA ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang pagsalakay ng mga tauhan ng Bulacan Police Office at Philippine National Police (PNP) sa bahay ng “lifetime member” nito na si Orlando Mauricio dahil umano sa pag-iingat ng iligal na baril sa Malolos City.
Sinasabing isinagawa ang raid sa bahay ni Maurico, mamamahayag ng Manila Standard na nakabase sa Bulacan, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Municipal Court sa Bulacan kaugnay ng illegal possession of firearms.
Ayon kay NPC Vice President Paul Gutierrez, ang higit na nakagagalit sa insidente habang nagaganap ang kuwestyonableng raid, may mga kumakalat o ipinakalat nang mensahe sa ilang media entity at sa probinsiya na ang pagsalakay ay may kinalaman umano sa droga.
Nabatid na ang kumalat na mensahe ay nakapagtatakang nanggaling mismo sa isang high ranking provincial official na madalas batikusin ni Maurico sa kanyang mga artikulo at FB account.
Sa nasabing raid, imbes na mga baril gaya ng nakasaad sa bitbit na search warrant, droga ang hinahanap ng mga pulis.
Maliban sa abala at pananakot, nagpasalamat parin ang pamunuan ng NPC dahil wala namang nasaktan sa pamilya Mauricio nang mangyari ang pagsalakay.
Sinabi ni Mauricio kay Gutierrez nang magkausap ang dalawa sa telepono na dahil wala namang napatunayan o nakuha sa raid, basta na lamang lumayas ang mga awtoridad na hindi sinasabi kung sino ang kanilang team leader o kung sino ang nasa likod ng harassment sa kanya.
“The Club denounces, in the strongest possible term, the complicity, wittingly or unwittingly, of the Bulacan PNP, under Col. Lawrence Cajipe, and the local municipal court, over their participation in the flagrant violation of the civil rights of Mauricio for political ends,” ang mariing pahayag ni Gutierrez.