Mas feel ang moreno… Jessy nagtapat, ‘di si Luis ang tipong lalaki; Joshua game na ring karirin ang pagba-vlog
Advertisers
SA panayam sa online show ni Angeline Quinto na Padalove, may isinambulat si Jessy Mendiola na ikinataas ng kilay ng netizens.
Walang preno na sinabi ni Jessy na noong una ay talagang hindi raw ang tipo ni Luis Manzano ang gusto niya.
Makulit nga raw si Luis at kalma lang siya.
May mga bagay nga raw na hindi nila talaga napagkakasunduan.
Pero sa tinatagal-tagal ng kanilang pagsasama ay nagkakilanlanan na umano sila at naging magkasundo sa lahat ng bagay.
Nung nag-ECQ ay never daw sila nagkita– nasa kanyang place lang si Jessy habang si Luis ay nasa kanilang bahay.
Kahit naman nung MECQ ay never din sila nagkikita pero nag-a-update sila sa isa’isa.
Pero kung si Jessy ang tatanungin ay mas tipo raw nitong lalake ay moreno at misteryoso.
Sa katagalan nga ay mas lalong nahulog ang loob ni Jessy sa dyowa sa pagiging matulungin nito na ayaw ipaalam na sa kanya galing ang ipinaaabot na tulong kaya mas nainlababo si Jessy sa bf.
Sa mga kuda ng netizens eh si Luis na nga raw ang forever ni Jessy at kahit ‘di anya nito type ang tisoy ay bagay talaga sila.
***
SA panahon ng pandemya ay puro nood lang ng mga vlog si Joshua Garcia kasama na ang pag-watch nito ng mga vlog ng kapwa celebrities.
Sa pitong taon na lumipas ay saka lang ito napa-isip na bakit hindi pa siya magsimulang mag-vlog.
Sa loob ng anim na taon nito sa showbiz ay maraming magaganda at masasayang nangyari kay Joshua.
Tulad ng mga kasamahan niyang celebrities na nagbla-vlog na-inspired ito na gumawa ng YouTube channel.
Ready na nga ang ex-gf ni Julia Barreto na karirin na rin ang pagbla-vlog.
Katunayan, may ilang videos na rin itong kuha na siya ang nag-eedit at plano pa kumuha ng editor para sa ikagaganda lalo sa ia-upload nitong video sa kanyang vlog.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)