Advertisers
MATAPOS mag-reak ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account na fake news ang pinost ng dating broadcaster na si Jay Sonza na buntis siya courtesy of her rumored boyfriend Gerald Anderson, ang aktor ay nag-reak na rin. Sabi niya sa kanyang IG stories,”congratulations to me.”
Halatang sarkastiko lang ang dating ni Gerald. Pinalalabas niya, na gaya ni Julia ay fake news ang balitang nabuntisan niya ang ex ni Joshua Garcia.
***
MARAMING artista ang nakisawsaw sa Manila Bay Challenge, isang photo meme challenge na lumabas matapos ang nangyaring kumpulan ng mga tao sa pagbubukas ng white sand beach sa Manila Bay nitong weekend.
Si Pokwang, naka-two-piece bikini sa kanyang Instagram post, habang ‘di naman nagpahuli si Ate Gay na inedit ang kanyang ulo sa ibang katawan.
Sumali rin ang singer na si Rhap Salazar at ang bandang Itchyworms sa photo challenge.
Samantala, pinagkatuwaan naman ng kanilang fans sina Jennylyn Mercado at Marco Gumabao.
Nagpa-throwback ang fans ni Kris Aquino, gamit ang larawan mula sa dati nyang ad campaign.
Ipinost din ni Anne Curtis-Smith ang photo niya na naka-sirena outfit para sa teleserye na “Dyesebel.”
Bumuwelta naman si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga bumabatikos sa Manila Bay white sand beach, na bahagi ng Manila Bay rehabilitation project ng gobyerno.
Dinepensahan ng asawa ni Robin Padilla ang proyekto, na umani ng batikos mula sa iba’t ibang panig dahil dapat umanong ginastos sa ibang mas importanteng pangangailangan ng bansa ang pera para rito.
Sabi ni Mariel, bakit daw puro reklamo ang ibang tao tungkol sa white sand project, gayong hindi raw sila nagreklamo noong puno ng basura ang Manila Bay.
Hirit pa niya, at least may konkretong napupuntahan ang buwis na ibinabayad ng bayan – bagay na inalmahan naman ng ilang netizens, na nagsabing nahawa na raw si Mariel sa pagiging DDS ng asawa niyang si Robin.
Ipinagbabawal na ngayon ng lungsod ng Maynila ang pagtambay sa white sand beach sa Manila Bay upang makaiwas sa pagdagsa ng mga tao roon. (Rommel Placente)