Advertisers

Advertisers

Marami pa sanang PPE ang nabili?

0 327

Advertisers

Pagtipid at inilalaan ang pondo para sa COVID 19. Iyan ang nakikita naman natin na ginagawa ng pamahalaan. Katunayan, sa unang bugso ng pandemya at lockdown nitong Marso 2020, milyong piso o bilyon ang inilabas ng pamahalaa.

Ang malaking halaga ay kinabibilangan ng pagbigay ng cash assistance ang sinasabing poorest among sa poor (daw), relief goods; pagbili ng mga gamot na maaaring makatulong sa mga pasyante ng COVID; pagbili sa mga kagamitan para sa ospital at pagbili din ng PPE.

Hindi nga lang isang beses nagbigay ng SAP ang pamahalaan kung hindi, hanggang tatlong beses bagamat anh iba ay hangganh isa o dalawang SAP lang ang kanilang natanggap.



Malaking tulong ang P6,000 hanggang P8,000 cash assistance na ipinamigay ng gobyerno. At tulad ng nabanggit, malaking halaga ang inilabas ng pamahalaan, hindi barya ang pinag-usapan dito.

Sa pondo na inilaan para sa pandemya, kabilang din ang pagbili ng personal preotective equipment (PPE) – napakaimportante ng kagamitan ito para sa mga frontliner sa iba’t ibang ospital ng pamahalaan – para sa proteksyon nila ito laban sa virus para hindi sila mahawaan.

Kaliwa’t kanan naman ang pagbigay at pag-distribute ng pamahalaan sa milyn-milyong halaga ng PPE pero ano itong isyu na tila’y pinagkakitaan ang pagbili ng PPE. Este, hindi naman pala pinagkakitaan kung hindi overprice daw ang presyo ng mga biniling PPE.

Ops, hindi po tayo ang nagsabi na overprice ng P200 per unit nh PPE kung hindi si Sen. Risa Hontiveros. Ang sinasabing overprice na mga PPE ay mulang China o binili sa China.

Aba’y kung totoo ang natuklasan ng Senadora, malaking halaga nga ang nasayang o nawala sa pondo. Hindi lang isang piraso ang biniling PPE kung hindi milyon piraso marahil. Kaya kung kuwentahin…magkano ang nawala o nasayang?



Binunyag n Hontiveros, ang per unit ng PPE ay overpriced ng P200. Aniya’y umaabot sa P1 bilyon ang lugi ng pamahalaan. Dagdag ng senadora na kilalang isa sa tumutuligs sa pamahalaang Duterte, ang halaga ng PPE, batay sa estimate ng Philippine­ General Hospital ay nagkakahalaga ng P1,200 hang­gang P1,500 pero

sa procurement (daw) ng Department of Budget ay nagkakahalaga ito ng P1,700 hanggang P2,000.

P1 bilyon ang nawala? Kung totoo man ito, aba’y maraming PPE ang puwede pang nabili para dito. Pero teka ba’t nga ba kailangan pang sa Tsina bumili ng PPE samantalang mayroon naman tayong produkto nito sa bansa…at for sure, kapag gawang Pinoy mas matibay naman ito kaysa gawang Tsina. Ano ba ang mayroon sa pagbili ng produktong Tsina kaysa gawa ng mga kilalang kompanya natin na gmagawa din ng PPE?

Ano pa man, huwag naman sanang maging alibi ng administrasyon sa ibinunyag ni Hontiveros na kaya satsat ng satsat (o tinutuligsa ang pamahalaan) ang babaeng mambabatas ay dahil sa oposisyon ito at sa halip, dapat siguro ikonsiderang imbestigahan kung may katotohanan ang ibinunyag.

Imbestigahan para malaman kung mayroon ngang kumita o kung may katotohanan bukod sa…ikonsidera din sana sa susunod na pagbili na ibigay ang kontrata sa mga kompanyang Pinoy na gumagawa ng PPE.

Uli, kung totoo ang nawalang P1 bilyon, marami pa sanang PPE ang nabili nito para sa frontliners.