Advertisers

Advertisers

Mahalaga ang programang pagpapakain sa mga bata

0 322

Advertisers

MAHIGIT P754 bilyon ang kolektibong badyet ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa 2021.

Maliban sa regular na binabayarang utang ng bansa sa mga internasyonal at lokal na mga pampinansiyang institusyon, palaging pinakamalaki ang badyet ng edukasyon dahil ito ang itinakda at ipinag-utos ng Konstitusyong 1987.

Iligal at tahasang paglabag sa Konstitusyon kapag inuna ang ibang kagawaran ng pamahalaan kahit ito pa ang nakikitang pinakamahalaga sa lahat.



Kasama sa P754.4 bilyong badyet ng edukasyon ang P5.97 bilyon para sa programang pagpapakain sa mga bata.

Ang pagkakaroon ng badyet ng nasabing programa ay nakabatay sa Republic Act No. 11037, o ang “Masustansiyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”

Napakahalaga ng R.A. 11037 dahil ginawang ligal at regular ang pondo para sa nasabing programa.

Ang may-akda at nanguna sa pagsusulong ng konseptong pagpapakain sa mga bata upang maging ganap itong batas ay si Senadora Mary Grace Poe.

Paniyak, ginawa ito ni Poe dahil alam niyang kailangang makialam ang pamahalaan para sa kalusugan ng mga bata.



Sa pagkakaroon ng P5.97 bilyong badyet para sa susunod na taon ay nangangahulugang tiniyak ng DepEd ang programang ito.

Babaguhin lang ng DepEd ang implementasyon ng programa upang huwag naman isubo sa kapahamakan ang kalusugan ng mga bata.

Sa halip na sa paaralan ilulunsad ang pagpapakain, ihahatid mismo ang pagkain ng mga bata sa kani-kanilang bahay, o kukunin ng kani-kanilang mga magulang.

Ang mahalaga rito ay maisasakatuparan ang programang pakain.

Paniyak, ‘yan naman ang gusto ni Senadora Poe dahil hangad ng senadora na maresolbahan ang kalusugan ng mga bata.

Walang halaga ang R.A 11073 kung hindi ito ipatutupad.

Ang mga benepisyari ng programa ay mga kinder hanggang Grade 6.

Idiniin ni Senadora Poe na: “Good nutrition is unquestionably linked to a child’s growth and development. Nutritional intervention at a very early stage will give our children greater fighting chance to survive life-threatening diseases and enhance their physical, intellectual, social, emotional and moral development.”

“The way we feed our children today will dictate the nation we have tomorrow,” diin ni Poe.

Malinaw sa akin kung bakit napakahalaga kay Senadora Poe ng programang pagpapakain sa mga bata kaysa pondohan ng P150 bilyon ang kontra-bahang proyekto ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Biruin n’yo P150 bilyong pera laban sa baha kumpara sa P5.97 bilyon sa programang pagpapakain sa mga bata.

Maaari namang ayusin ang problema sa baha sa P100 bilyon at ang P50 bilyon ay idagdag sa P5.97 bilyon.

Sa ganito, maaaring makabawi ang bansa mula sa 0.52 iskor nito sa World Bank’s Human Capital Index (HCI) ngayong 2020.

Noong 2018, nasa 0.55 ang puntos ng HCI ng bansa.