Advertisers

Advertisers

KRIMINAL, WALANG PUWANG SA BANSA SA ILALIM NG BI-FSU

0 294

Advertisers

Nakatutuwa na sa kabila ng pandemya ay patuloy lang ang trabaho ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa pamumuno ng hepe nitong si Bobby Raquepo, sa pangha-hanting ng mga ‘wanted’ sa ibang bansa na dito sa Pilipinas sinusubukang magtago para takbuhan ang kanilang mga kaso sa kani-kanilang bansa.

Nito lang Setyembre 22, dalawang operasyon ng FSU ang pinangunahan ni Raquepo na matagumpay namang nagresulta ng pagkakadakip ng isang Koreano at isang Amerikano na kapwa pinaghahanap sa kanilang mga bansa dahil may kinakaharap silang kaso doon.

Ang Koreano na si Kim Junghwan, 41, ay may nakabinbing arrest warrant dahil sa pagpupuslit ng 167 gramo ng methamphetamine papasok ng Seoul, sa pamamagitan ng isang Philippine-based seller na idinaan sa isang courier service.



Di lang pala ‘undocumented and undesirable alien’ itong si Kim na ang passport ay pinawalang-bisa ng kanyang gobyerno. Mayroon din siyang dalawang arrest warrants dahil sa paglabag ng Narcotics Control Act na inisyu ng Suwon District Court Republic of Korea at ‘wanted’ din ito sa ilalim ng Interpol Red Notice sa kasong ‘Importing and Trading Psychotropic Substances in violation of Narcotics Control Act’.

Sa parehong araw ay dinakip din nina Raquepo si Fernando Moroy, 63, isang dating mataas na opisyal ng US Navy na ‘wanted’ sa US dahil sa iba’t ibang kaso.

Ang nasabing Amerikano ay dating director for operation ng US Navy Sealift Command at dinakip nina Raquepo sa pagtutulungan ng FSU agents, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), US DSS-Office of Criminal Investigation, PNP PRO-4A at Angeles City Police Office.

Itong si Monroy, ayon kay Raquepo, ay isa aniyang ‘undocumented alien who poses risk to public safety and security being a fugitive from justice as per official communication from Michelle Michaud, Attaché, DSS-OCI, US Embassy in Manila dated August 19, 2020.’

Humingi ng tulong ang embahada nila para mahuli si Monroy, na may outstanding warrant of arrest mula sa US District Court for the District of Columbia para sa kasong conspiracy, bribery, false statements and obstruction of justice.



Parehong nasa kustodiya ng pamahalaan ang dalawang banyaga habang di pa lumalabas ang resulta ng COVID swab test na ginawa sa kanila.

Sa sipag at dedikasyon na ipinapakita ni Raquepo sampu ng kanyang mga tauhan, maliwanag na nakatitiyak ang bansa na walang puwang dito ang mga banyagang kriminal.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.