Advertisers
MAHIGIT apat na milyon pisong halaga ng shabu na galing sa Estados Unidos ang nasabat ng Bureau of Customs ( BOC ) mula sa isang cargo warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon kay PDEA NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group Operatives Gerald A. Javier, idineklara ang naturang parcel na mga laruan at regalo na ipinadala ni Marry Ann Acosta ng 1736 E. Charleston Blvd., Las Vegas, USA.
Sa ulat, nakapangalan ang nasabing parcel kay Andrea M. Cuevas ng P-3 Brgy. Santa Monica, Hagonoy, Bulacan.
Nabatid na naglalaman ang parcel ng 600 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P4,080,000.00, kungsaan dumaan ito sa x-ray scanning machine at 100 % physical examination mula sa isang bodega na nasa NAIA complex, Andrews Avenue, Pasay City.
Agad inilipat ng Port of NAIA ang droga sa pangangalaga ng PDEA, habang pinag-aaralan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga taong responsable sa pagpasok ng droga sa bansa.
(Jojo Sadiwa)