Advertisers
ARESTADO ang limang drug suspects at nakumpiska ang higit sa P1 milyonghalaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations, Martes ng gabi sa Makati City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Emerson Candido, 30; Edevin Virtucio, 42; Emerson Jacosalem, 42; Roberto Medalla, 36, pawang taga-Brgy. Rizal ng nasabing lungsod; at Judith Abella, 60, ng #304 Block 8, Suha St., Brgy. West Rembo.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Arman Aborita.
Sa report, 8:00 ng gabi nang madakip sina Candido; Virtucio; Jacosalem at Medalla sa Sea Bird St., Brgy. Rizal, kungsaan nakatakas naman si Aborita.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 202 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,373,600.00.
Samantala, 11:15 ng gabi nang maaresto ng operatiba ang lolang si Abella sa #304 Suha St., Brgy. West Rembo.
Naka-recover mula kay Abella ang 30 gramong shabu na naghahalaga ng P204,000.00. (Gaynor Bonilla)