Advertisers

Advertisers

Giyera na ba?

0 506

Advertisers

WALA bang palakpakan, dyan, mga Yellow Angry Birds, kasi ang tapang ng inaugural speech ni Tatay Digong sa isang pre-recorded message sa 75th session of the United Nations General Assembly noong Martes?

Teka, congratulations sa speech writer ni President Rodrigo Roa Duterte: ibang-iba kasi, sa tono, sa lalim at maginoong angas ng talumpati niya na marami sa mga kritiko niya ay hindi pa maibaba ang nakataas na kilay; at baka napunit ang mukha sa pagkainis, sa pagkabigla.

Iba ang tapang ni Tatay Digong: mula sa pag-amin na siya ay “inutil” ngayon sa talumpati niya, para siyang naalimpungatang dragon na sumisingasing sa pagsasabi na,



“Hoy, amin ang West Philippine Sea (WPS). Amin ito, hindi sa inyo, Pres. Xi Jinping!”

Wag kang mabahala, Vice President Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo, hindi pa tayo sasabak sa giyera ngayon na kinampihan ka na at ang tropa mong sina Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Sen. Franklin Drilon, Atty. Jose Manuel

“Chel” Diokno, former Ambassador and Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na dapat ngang ilaban ng patas ang panalo natin sa arbitration ruling na atin ang mga Isla sa WPS.

O, ngayon na umangas at pumapalag na si PRRD, makikipagkaisa na ba kayo, o baka, ngayon ay magte-teka-teka muna kayo, kasi nga, biglang pihit at biglang liko si Tatay Digong na kinastigo ang best friend niyang si Pres. Xi.

Asan ang mga palakpak n’yo, wala akong naririnig, Aling Winnie Monsod … wag kang pasaway, hane?



***

Sabi ni Tatay Digong, hindi ikokompromiso, hindi niya babalewalain ang legal victory natin sa international arbitration court.

Ipaglalaban niya ang karapatan natin sa WPS, hindi sa giyera kundi sa mapayapang paraan, ayon sa tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at prosesong ipinasusunod ng UN.

Mahirap yatang ibangga ang bangkang papel ni PNoy sa submarino ni Mao Zedong.

Ups, bagama’t “disente” ang speech ni PRRD, hindi pa rin nawala ang anghang at lupit ng tirada niya laban sa mga umuupak sa kanyang anti-drugs war at sa mga fake news daw na ibinabalita ng mga kuno ay human rights advocates.

Ang mga kontra sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga, kriminalidad at terorismo, ang mga ito, sabi ni Duterte, ay mga taong ang gusto ay siraan ang kanyang gobyerno.

Kung nais ng mga kritiko sa UN na makita ang katotohanan, dapat ay hindi sila bias o agad na naniniwala at kumikiling sa mga kalaban niya.

Paghamon ni Duterte, dapat umiral ang “objectivity, non-interference, non-selectivity and genuine dialogue.”

Gumagana ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan, mahusay na nakatutupad at naggagawad ng hustisya ang mga hukuman sa Pilipinas; buhay na buhay ang demokrasya, hindi tulad ng ikinakalat ng mga kalaban niya sa politika, sabi ni PRRD sa kanyang talumpati.

Hindi kolonya, hindi utusang aso ng ibang bansa ang Pilipinas kaya hindi sila dapat na makialam sa pansariling problema ng mga Filipino.

***

Sabi ni Duterte sa kabila ng mga nasabi niya noon laban sa US, pinahahalagahan niya ang mga naitulong nito sa maraming pagkakataon, lalo na ngayong coronavirus pandemic.

At sa France, Germany, Australia, UK at iba pang bansa na sumusuporta sa laban ng Pilipinas sa WPS, nagpasalamat si PRRD, at ito, pagpuri niya ay patunay sa tagumpay ng tama at makatwiran laban sa mali; tagumpay ito ng kapayapaan laban sa kaguluhan.

“This – as it should – is the majesty of the law,” sabi ni Duterte.

Ano’ng sey n’yo, mga X-men, Sec. del Rosario, Justice Carpio; what is your comment, retired Ombudswoman Conchita Carpio-Morales?

Alam ko, pati tenga ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. ay pumapalakpak sa galak.

Yehey, hindi na “inutil” si Tatay Digong!

Giyera na ba?

***

Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.