Advertisers

Advertisers

Ginulat ni Duterte ang UN, at ang online class ng mga titser at estudyante sa kabukiran

0 366

Advertisers

NASORPRESA at natuwa ang marami sa naging statement ni Pangulong Rody Duterte sa pagdalo niya sa unang pagkakataon sa 75th session ng United Nations General Assembly nitong Martes, Sept 22.

Sa kanyang televised address, nagulat ang lahat nang igiit ni Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China sa isyu ng West Phlippine Sea sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 2016.

“The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS and the 2016 Arbitral Award. The Award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” sabi ng Pangulo sa harap ng state leaders.



Pinasalamatan din ni Duterte ang ibang bansa na sumusuporta ang nirerespeto ang 2016 UNCLOS award.

Inabot ng apat na taon bago magsalita ng ganito si Pangulong Duterte pabor sa pagkapanalo sa UNCLOS ng Pilipinas laban sa pangangamkam ng China sa ating karagatan sa WPS.

Sa kabila nito, marami parin ang nag-aagam-agam sa binitiwang salita ni Duterte. Baka raw bukas makalawa ay sabihin naman nitong “joke lang” ang kanyang tinuran sa kanyang talumpati.

Simula kasi nang maupo noong 2016 si Duterte ay puros pabor at papuri sa China ang kanyang mga sinasabi. Ilang beses nga niyang ‘di inintindi ang mga isyu ng pagtataboy at pambu-bully ng Chinese military sa ating mga kababayan na nangingisda sa WPS. Kahit ang pagsagasa ng Chinese vessel sa bangka ng ating mangingisda sa WPS ay naging tameme rin siya dahil ayaw niyang sumama ang loob sa kanya ng Chinese govt.

Sabi naman ng ilang political analysts, maaring nabuwisit narin si Duterte sa China dahil wala parin siyang napapala rito sa loob ng apat na taon niya nang pambobola rito. Puwede! Hehehe…



May political analyst din ang nagsabing posibleng na-pressure narin si Duterte dahil sa kaliwa’t kanan nang panggigipit ng Amerika at European countries sa Pilipinas dahil sa isyu ng WPS at human rights.

Kamakailan lang ay nag-isyu ng statement ang UN Parliament na patawan ng taripa o tax ang lahat ng export products ng Pilipinas na pumapasok sa mga bansa sa Europa.

Nagpasa rin ang US Congress ng bill na magpapataw ng mga sanction sa Pilipinas dahil sa mga human rights violation ng Duterte administration.

Ang mga pressure na ito kaya ang dahilan ng paglambot ni Duterte para kilalanin narin sa wakas ang 2016 Arbitral Award?

Well, sa kanyang huling dalawang taon sa puwesto, tama lang na itama nang lahat ni Pangulong Duterte ang para sa Pilipinas, tigilan na ang pagyuko sa China tulad ng ginagawa ngVietnam, Taiwan at Malaysia.

Atin naman talaga ang WPS, hindi sa China, ayon narin sa paghihimay sa mga ebidensiyang isinumite ng magkabilang panig sa UNCLOS noong administrasyon ni PNoy. Mismo!

***

Naaawa ako sa mga titser at estudyante sa mga probinsiya na mahina ang internet signal.

Umaakyat sila sa mga bundok, burol para makahanap ng signal. Tapos dun na sila maglalagay ng mga kubol para hindi masunog sa matinding init ng araw at hindi mabasa pag umuulan. Nagsisilbi na itong kanilang eskuelahan.

Sana matulungan sila ng LGUs, mabigyan manlang ng police security o kahit ng barangay tanod para sa kanilang seguridad.

Dapat kasi, sa mga probinsiya o bayan na wala namang covid cases ever since at mahina ang internet signal ay pinayagan ang face to face learning o kaya’y ipinagpaliban nalang muna ang pagbukas ng klase habang may covid pandemic. Mismo!