Advertisers

Advertisers

Covid update: 580 gumaling; 36 nasawi; 2,180 bagong kaso

0 277

Advertisers

PUMALO na sa 296,755 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,180 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat nitong Huwebes ng hapon, Setyembre 24.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 617 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 588 at Region 6 na may 156.
Nakapagtala naman ang DOH ng 580 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 231,928 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 36 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,127 na ang kabuuan.
May 16 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Pito dito ay recovered cases.
Samantala may 18 kaso na naunang inulat na gumaling pero 17 dito ay nasawi habang isa naman ang active case. Ito ay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)