Advertisers

Advertisers

Cayetano bukas sa dayalogo sa mga reklamo sa budget allocation

0 252

Advertisers

Handa si House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez na makipag-usap sa sino man sa mga kongresista na mayroong concern sa kanilang budget allocation.
Sa isang facebook live sinabi ni Cayetano na bukas siyang makipag-dayalogo sa sino mang mambabatas upang maayos ang kinakailangan nitong pondo o programa para sa kanilang constituents at sektor na kinakatawan ng partylist group.
Paalala lamang ng House Speaker na hindi nila kokonsintihin ang black mailing, hostage taking at iba pang hakbang para lamang makapag-singit ng pork at parking sa binubuong pambansang pondo.
Handa namang suklian ni Cayetano ang suporta ng kanyang mga kasamahan basta’t titiyakin ng mga ito na maipapasa nila ang “best budget ever” na layong tugunan ang buhay at kabuhayan ng bawat Pilipino na na-apektohan ng pandemiya.
Kasabay naman nito ay nagsimula na rin aniya sila ng paunang pulong para sa isang ‘super committee’ na pamumunuan ni Romualdez na siya layong tugunan ang isyu ng red-tape sa pamahalaan. (Henry Padilla)