Advertisers
TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go na suportado niya ang konstruksyon ng bagong Manila International Airport project sa lalawigan ng Bulacan kasabay ng panawagan niya sa mga proponents nito na siguraduhing susunod ang mga ito sa labor, environmental at iba pang applicable laws, rules at mga regulasyon.
Sinabi ni Go na ang konstruksyon ng bagong paliparan ay magbibigay ng mas maraming trabaho at makakatulong sa economic opportunities sa labas ng Metro Manila at magbibigay din ng livelihood sa mga Pilipino lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Go, maliban sa economic opportunities, malaking tulong din ang paliparan para mabawasan ang masyado nang masikip na trapiko sa Metro Manila na matagal nang inaasam na masolusyunan.
Dagdag pa ni Go, magandang halimbawa ng construction sa isinusulong ng administrasyon na distribusyon ng economic opportunities sa labas ng Metropolis.
Giit ni Go, makikinabang ang mga Bulacan at mga karatig lalawigan nito sa Central Luzon region hindi lang sa naturang proyekto kundi sa iba pa sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte administration.
Ilan lamang sa proyekto sa rehiyon ang Arterial Road Bypass Project-Phase 2 na inagurahan noong 2018 na nagdudugtong sa NLEX sa Balagtas Bulacan sa Philippine-Japan Friendship na mas kilala sa tawag na Maharlika Highway sa San Rafael, Bulacan. (Mylene Alfonso)