Advertisers

Advertisers

Bong Go sa mga corrupt sa BOC, BIR: Bilang na ang araw n’yo!

0 348

Advertisers

NAGBABALA si Senator Christopher “Bong” Go laban sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na nabibilang na ang kanilang masasayang araw dahil hindi aniya tumitigil ang pamahalaan sa pagtugis sa mga kurakot sa ahensiya ng gobyerno.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos suportahan ang panukalang pondo ng Department of Finance sa budget hearing ng Senado.

Sa pagdinig, pinasalamatan ni Go si Finance Secretary Dominguez at ang mga empleyado ng DOF dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa pagpapanatili sa bansa na nakalutang sa pangpinansyal na aspeto.



“Let us work together to strive for the betterment of our beloved country,” ang panghihikayat ni Go.

Habang pinupuri ang DoF, binalaan naman niya ang corrupt personnel sa mga attached agencies nito, ang BOC and BIR.

“However, let me also reiterate a warning to the corrupt in the BOC and the BIR. Sa mga corrupt dyan, your days are numbered,” ang babala ng senador.

“The public will exact accountability and you will have your day of reckoning. We will not let you tarnish the laudable efforts of the good people in your agencies,” dagdag niya.

Naniniwala si Go na ang Finance chief at ang mga komisyoner ng BOC at BIR ay hindi papayag na mamayagpag ang korapsyon sa kani-kanilang ahensiya.



“Alam ko pong hindi papayag si Commissioner (Caesar) Dulay and Commissioner (Rey) Guerrero na may mga corrupt na lulusot diyan sa inyong ahensya and of course, si Secretary Sonny Dominguez, galit rin ‘yan sa mga corrupt,” sabi ni Go.

Nagpahayag din ng pagtitiwala si Go sa liderato ng DoF na ang polisiya sa pananalapi ng bansa ay nasa kamay ng mga taong may kakayahan sa usaping ito.

“As the Philippines reels from the devastating effects of the pandemic not just on public health, but also on our economy and financial stability, it is important that the country’s finances are managed properly and efficiently,” paliwanag ng mambabatas.

“I am positive that we will see this crisis through and emerge stronger than ever,” dagdag niya. (PFT Team)