Advertisers

Advertisers

Sandbags pinalibot sa paligid ng ‘Manila Bay Sand’

0 288

Advertisers

PINALIBUTAN ng sandbags ang bahagi ng baybayin ng Manila Bay na may P389 million halaga ng artificial white sand o dolomite sand.
Sa ulat, numipis na sa shoreline ang crushed dolomite na inimbak doon bilang bahagi ng beautification project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Una nang sinabi ni University of the Philippines Resilience Institute executive director Mahar Lagmay na mataas ang tyansa na matatangay lang ng bagyo at high tide ang napakamahal na buhangin sa artificial beach.
Maaalalang dinayo nitong weekend ang bahagi ng Manila Bay na may white sand nang buksan ito noong Sabado at Linggo, kungsaan hindi nasunod ang protocols na layong iwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pagdagsa ng mga nais makita sa controversial beach.
Sarado uli ito sa publiko para sa pagpapatuloy ng proyekto.(PFT team)